Point of View: Lance Toledo
Sa wakas, bakasyon na naman. Pwede na naman akong magpuyat ng gabi ng walang inaalalang exams or recitations kinabukasan. Nakakapagod kaya yung ganung buhay.
Hindi ko nga alam kung bakit ba talaga psychology major ang kinuha ko. Super daming babasahing books about knowing the human mind and behaviour which I think very obvious.
Kung tutuusin nga parang naglalaro lang kami sa klase palagi tuwing recitation kay Mrs. San Jose kapag tinatanong niya kami kung anong ibig sabihin ng mga kilos ng tao sa iba’t ibang sitwasyon. Natatawa na lang ako.
Monday morning will be great. I’ll be watching more movies na sobra yatang nakalimutan ko noong 2nd year of college ko. Hindi naman ako grade conscious pero hindi rin naman ako easy go lucky tulad ng iba na okay lang bumagsak.
Nahihiya pa din naman ako kay mama at kuya dahil sila nagpapaaral sakin. Mamaya tatawag na naman siguro yun si kuya mula sa states then wala na naman itong si mama dahil andun na naman sa munisipyo doing her regular social work as a volunteer.
Nag uubos lang ng oras sa mga ibang taong may mga kanya kanyang buhay samantalang yung buhay namin kahit na mamatay na si papa, hindi niya naayos. Sabi naman ni kuya Landon hayaan ko na at yun na lang ang pinagkakaabalahan ng mama namin.
Mabuti pa nga daw ay hindi sa masamang bisyo nalululong si mama katulad ng mga ka village namin na puro mahjong na lang ang inaatupag. I’m still lucky I guess kasi sigurado yan pagbaba ko sa kusina, may nakahanda na agad na pagkain para sakin.
Kahit siguro saan siya pupunta, my mother still managed to prepare my breakfast. Yun ang gusto ko sa kanya. Pero ang ayaw ko naman sa kanya ay ‘yung lagi niya kong pinipilit magvolunteer sa social working center.
Tumulong daw sa mga iba’t ibang tao tutal daw ay psych major naman ako. Haay… yun na nga ang dahilan ko. Nakakasawa na minsan kaya dapat itong bakasyon, ienjoy ko naman. Better to chat with Sheena than to volunteer.
9:00 AM Bumaba na ko ng kusina para kumain. Sana’y naman na ko na ang suot ko matulog eh ang boxer shorts ko lang na kulay itim palagi. Sa pang itaas, wala na. Hindi ko alam kung bakit nasanay akong natulog ng ganoon pero isa lang ang pagkakaalam ko sa sarili ko, malibog ako.
Almost every night I dreamt of Sheena. My dreamgirl. Pero hindi naman ako dumadating sa point na talagan nilalabasan ako just because of my illusion of her. None as I remember na nangyari yun.
Isa pa, tuwing bababa naman ako ng kusina ay wala ng tao. Kahit maghubad pa ko dun, wala ring saysay dahil tiyak na wala na si mama.
But this time, its different… Nakarinig ako ng ingay na nanggagaling sa kusina. Ingay na parang hinahatak yung upuan at ginagalaw yung mga plato. This is not the usual noise na nagagawa ni mama kapag nasa kusina siya.
Napakatahimik lang at napakaingat ng galaw samantalang ito ngayon ay masyadong galawgaw. Kinuha ko yung baseball bat ko na nasa likod lang ng cabinet ko at bumaba ng dahan dahan sa hagdan papunta sa kusina.
Pagsilip ko may nakaupong lalaki. Kinakain niya yung mga pagkaing hinanda sa akin ni mama. I decided to ask and not to show the bat first.
“Sino ka!? at anong ginagawa mo dito sa bahay namin” siga kong tanong.
Hindi ako nilingon ng lalaki. Tuloy pa din ito sa pagkain ng tasty bread, hotdogs and bacon na ginawa pa ni mama.
“Sino ka sabi? Pag hindi ka nagsalita, dadanak ang dugo ng ulo mo dito sa kusina namin!” panakot ko ulit sabay amba ng baseball bat.
Kasalukuyan sanang tutusukin ng lalaki ng tinidor ang isang hotdog pero dahil sa narinig niya ay huminto siya at ibinaba ang tinidor sa lamesa.
“Tanungin mo si Mrs. Toledo pwede? Siya makakasagot sa mga tanong mo at sa mga susunod mo pang tanong” sabi ng lalaki habang nagsasalita.
Hindi pa rin siya humaharap sa akin kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Isa lang ang kapansin pansin sa kanya, maganda ang pangangatawan niya. Halatang halata sa suot niyang puting tshirt at black pants.
“Teka nga…” sabi ko sabay punta sa harapan niya para makita siya ng harap harapan. Nawala din sa isip ko na naka boxer shorts lang ako at walang pang itaas.
“Pre…” bungad ko. Bahagyang naudlot ang kasunod ng makita ko ang mukha niya.
Ngayon lang yata ko nakakita ng ganoong itsura ng tao na nagsasalita ng purong Tagalog. Parang foreigner ang mukha niya pati ang pagkakaukit ng ilong. Kung hindi nga siya magsasalita, hindi mo siya mapagkakamalang Pilipino.
“Ikaw tong nakita ko na lang na kinakain yung mga pagkain ko. Dito pre sa bahay namin tapos parang ako pa nahihirapan magtanong kung sino ka?”
Masama na ang tingin ng lalaki sakin. Halata ko din sa mata niya na naiilang siyang nakaharap ako sa kanya dahil sa suot ko na boxer shorts lang at hayag na hayag ang katawan ko sa kanya pero hindi maikakaila na mababasa mo din dito ang matinding galit na nagmumula sa loob na pagkatao niya.
Kinilabutan ako at nag isip kung anong gagawin kung sakaling sunggaban ako ng lalaki at bugbugin. Halos malapit lang naman ang built naming dalawa kaya lang hindi lang akong kumportableng makipagrambulan sa suot ko at sa sarili ko pang bahay.
“Sige. Aalis na lang ako.” biglang sabi ng lalaki at umakmang tatayo.
—
“D’yan ka lang Kevin. Wag kang aalis at ako ang magpapaliwanag sa anak ko” boses ni mama na bigla na lamang sumulpot galing sa pinto sa sala.
Kitang kita ko ang mukha ni mama na para bang sobrang lupit ng ginawa kong pagtatanong sa lalaking nasa harap ko at bigla na lamang sumulpot sa bahay na parang kabute.
Dala dala ni mama ang maraming papeles at iniabot ito sa lalaki habang papalapit sa akin. Hindi ko inakalang bigla akong aambahan ng sampal ni mama sa kanang pisngi.
“Tinuruan ba kitang maging bastos?” biglang sigaw ni mama sa harap ko.
Napatingin ako sa lalaki na siyang nagging dahilan ng lahat. Kahit minsan ay hindi pa ko nagawang saktan o pagbuhatan ng kamay ni mama. Ngayon lang at dahil lang sa isang lalaking hindi ko man lang kilala. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni mama pero hindi ko alam kung bakit. Nagsimula akong mangatwiran.
“Bakit ma? Anong ginawa kong mali?” tugon ko. “Normal lang naman na magtanong ako sa taong hindi ko kilala ng nagising ako at kinakain na ang mga pagkain natin? Sige nga? Anong mali sa ginawa ko?”
Sa hindi ko inaasahang sitwasyon ay umulit ang hampas ng kamay ni mama sa pisngi ko. Ikinagulat ko yun at muntik ko ng maibato ang hawak kong baseball bat sa lalaking kanina pa nakangisi sa harapan naming. Nakangiti ito na parang natatawa pa na nag aaway kami ni mama ng DAHIL SA KANYA!!
“Sige Lance!” pauna ni mama. “Para matahimik ka lang at bumalik sa dating galang ang ayos mo, ipapakilala ko ang LALAKING…nasa harap mo!” ganun na lamang ang diin na binigay ni mama sa salitang lalaki.
Nakinig ako sandal dahil ramdam ko pa din ang pangalawang latay sa pisngi ko.
“Kevin Lenori, yan ang pangalan nya. Isa sya sa mga project ko as social worker sa community natin Lance.”
I started to be interested. Why so sudden na may project si mama na tao para sa social works niya?
Dati rati para lamang siyang kongresista na tanim duon tanim dito, pakain ng lugaw dito, literacy program naman sa kabila at iba pa. Ganun lang ang nakasanayan kong project niya. Pero ngayon, may kasama ng tao na sa tingin ko kakaiba sa lahat ng mga nagging proyekto niya.
“Lance, Kevin here was a product of broken family. Yung nanay niya namatay sa kulungan dahil sa riot ng mga samahan din dun. And…according to the researches, yung tatay niya is no longer alive. After naghiwalay ang mga parents niya, his father suffered from lukemia na hindi niya nalaman until ngayon lang. Siya lang ang nabubuhay mag isa simula ng nakulong ang nanay niya. Then, worked hard in different jobs but the naligaw ng landas at nahulihan ng drugs sa apartment na tinutuluyan niya.”
Tumingin si mama sa lalaki na kasalukuyan namang parang walang naririnig sa mga sinasabi ni mama. Hindi ko tuloy alam kung sinasadya niya yun o hindi.
“….nakulong siya in other words.” Naririnig kong pagpapatuloy ni mama.
“Then, the DSWD decided to give him another chance here in our family. I personally called him for temporary adoption.”
Nagulat ako sa sinabi na yon ni mama. Parang gusto ko ng takpan ang mga tenga ko o kaya hampasin ng baseball bat ang ulo ko para magising kung sakaling nananaginip lang ako. Pero mukha ngang totoo ang lahat ng nangyayari.
“Sa katabing kwarto siya matutulog at magstay, sa dating kwarto ng kuya mo na ginawa mong imbakan ng mga libro mong makakapal. I placed those books sa basement dahil alam ko namang hindi mo na yon ginagamit. And starting now, be good to him dahil part na siya ng bahay na to. At, kinokonsider ko na siyang anak ko .” nakakabinging paliwanag ni mama.
“Ano???” sigaw ko ng marinig ko ang huling salita. ”Anak mo? Ma! Kami lang ni kuya ang anak mo. Saka bakit hindi mo man lang muna sinabi sa amin bago mo siya tinanggap?”
“I’ve already talked to your kuya. He approved. Kung saan daw ako mas makakatulong, susuporta sya.” Sabi ni mama.
“And what about me? I don’t even know this guy. At hindi ko sya matatanggap ng ganun lang” katwiran ko.
“You have to…kung mahal mo ko at isa kang psychologist…you will understand that as a temporary adoption, I need to have this person back into the normal world.”
“Pero ma..alam ko yun. Kailangan mong tumulong, pero bakit ganung klaseng tulong pa?”
“Lance.” Galit na banggit ni mama sa pangalan ko.
This is the signal para sa kin to continue talking at magreason out or get out of my house option ni mama. I dare not to talk dahil ayokong magtagumpay ang bagong saltang Kevin sa akin.
“Ok. I’ll consider that as an approval. Ngayon Lance, baka pwedeng pakitulungan mo si Kevin mag ayos sa taas sa kwarto niya.” Request ni mama.
Pambihira naman talaga sa isip isip ko. Para kaming nagpatuloy ng hari sa bahay at pati ang prinsipe ay sunod sunuran na lang. Wala kong magagawa kundi ang sundin ang gusto ni mama.
Kunsabagay, may maganda kong plano para umalis na lang ng kusa ang Kevin na to sa bahay namin. Alam ko ang mga ayaw ni mama sa isang tao. Kaya kapag ginawa niya yun, tiyak na paaalisin agad siya ditto sa bahay or isasauli siya kung saang kulungan man siya galing.
Binitiwan ko ang baseball bat at inilapag sa mesa. Tumingin kay Kevin at papilit na ngumiti. Tumingin din siya sa akin at umiwas din naman.
“Sige Kevin pasensya ka na kanina. Kakain muna ko ng umagahan tapos tutulungan na kita sa taas mag ayos ng gamit mo. Ok lang ba?” napakaplastik ko yata dito.
Tumango lang siya at binitbit ang malaki niyang sports bag sabay tinungo ang hagdan paakyat. Wala naman pakialam si mama sa kilos ni Kevin. Siguro dahil sa tingin niya ay kawawang kawawa ito dahil sa mga dinanas.
“Kevin, yung kwarto mo sa may kaliwa pangalawang pinto. Yung unang pinto eh yung storage natin tapos kwarto mo na, then kay Lance at CR for the two of you.” Sigaw ni mama sa taong parang walang narinig at tuloy tuloy sa pag akyat. Napakasarap batuhin ng baseball bat.
10: 00 AM Same day. Tapos na kong kumain at naghugas ng pinagkanan ng magdecide akong tunguin ang kwarto ni Kevin para tumulong. Umalis din si mama matapos ang diskusyon kanina.
Natyempuhan niya lang pala kami ni Kevin na nag uusap at ibibigay niya lang ang dala niyang documents sa taong to. Kung tutuusin, ayokong tumulong pero dahil minsan naaawa din ako kay mama, susubukan ko na lang. Kapag talagang hindi ko gusto ang taong to, alam ko na ang gagawin ko.
Umakyat na ko ng hagdan naming kalimitan ay mga nasa pitong hakbang na nakatago din ang limang akyat mula sa kusina. Napansin kong bahagya lang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Kevin.
Out of curiosity, hindi muna ko kumatok at inobserbahan muna ang kilos ng tao sa loob. Sumilip ako sa kaunting uwang at nakita ko dun ang isang lalaking nakahubad ng damit pang itaas.
Nagulat ako sa nakita at naramdaman dahil kakaiba ang bigla kong naramdaman nung maaninag ko ang halos perpektong muscles ni Kevin sa pang itaas na bahagi ng kanyang katawan. Buong buo ang mga chest muscles nya at kahit na balbon at natatakpan ng iilang balahibo ang tiyan niya, tiyak na aninag pa din ang hulma ng mga abs dito.
Isa pang nakadagdag appeal sa kanyang upper body ay ang mga tattoo niya sa kaliwa at kanang braso na bunga siguro ng pagkakakulong niya ng mga ilang buwan. Para ba kong nakakita ng isang foreigner na nakahubad sa harap ko. Sigurado naman akong may lahi itong si Kevin. Nakakatawa lang dahil diretso ang pagtatagalog niya.
Hindi ko malamang kung bakit gayon na lamang ang naramdaman ko ng Makita ko ang hubad na katawan ni Kevin mula sa paninilip ko sa kaunting puwang ng pintuan. Nagtaka din ako dahil bahagyang tumayo ang aking alaga dahil sa kakaibang nakikita.
Lalo pang tumigas ito ng ituloy ni Kevin ang paghuhubad at mag akma itong alisin ang butones ng maong na pantalon at ibukas ang zipper. Nang pagkakataong yun, may iba kong nadiskubre sa sarili ko. Itutuloy ko pa sana ang panunuod ng biglang nasagi ko ang pintuan pabukas na ikinagulat naming dalawa ni Kevin….