Ang Yummy Kong Stepbrother (Part 1)

Ang Yummy Kong Stepbrother (Part 1)

Isang tawag ang natanggap ni Melvin buhat sa kanyang ina na si Marta. Pinapauwi siya sa probinsya sa darating na Sabado at importante ang kanyang presensya dahil sa personal na bagay ang kanilang paguusapan at hindi pwedeng sa telepono lang basta mag-usap. Ayaw naman magsalita ng ina kahit pahapyaw lang at sa bahay na lang daw sila mag-usap.

Walang nagawa si Melvin, kaya agad nag book ng eroplano papauwi sa probinsya. Nagiisip siya ng dahilan sa biglaang pagpapauwi sa kanya, subalit wala siyang maisip na kahit na anong dahilan.

Si Melvin ay ng-aaral sa isang sikat na unibersidad dito sa Manila, third year college at kumukuha ng kursong Accountancy. Mistiso si Melvin, may lahing kastila kasi ang namayapa niyang ama kung saan niya namana ang kakisigan at tangkad.

Biyernes pa lang ng hapon ay lumipad na siya papauwi ng Cebu at nakarating siya kanilang bahay bago pa man maghapunan. Masaya naman siyang sinalubong ng ina at matagal na nagyakap.

“Ma! Ano ba ang kelangan kong malaman at bigla-bigla naman ang pagpapauwi ninyo sa akin. Mabuti na lang at wala kaming masyadong aralin sa ngayon. Ano ba ‘yon Ma?” wika ni Melvin na may tema ng paglalambing.

“Miss na miss na kasi kita. Ang tagal mo nang hindi umuuwi eh, nasasabik na akong makita at mayakap ka. Ayaw mo ba non.”

“Si Mama talaga. Syempre, miss na miss din kita. Hirap kaya na malayo sa iyo. Nangangayayat na nga ako eh, kasi naman eh hindi kasing sarap ng luto mo ang kinakain ko sa Manila eh.”

“Sino bang maniniwala sa iyo eh hayan at namumutok na ang braso mo. Laman ka siguro ng gym doon ano, ganda ng katawan mo eh. Pang bikini open na ah.” Pisil pisil pa ni Marta ang braso ng anak, hangang hanga sa iginanda ng katawan ng anak. “Siya, magpahanda na ako ng hapunan natin. Magpalit ka muna ng damit mo at bumaba ka kaagad at kakain na tayo. Paborito mo lahat ng aking niluto.”

“Iyan ang namiss ko sa iyo Ma eh. Hmm tataba na naman ako nito hehehe.” Tumalikod na si Melvin at umakyat ng kanyang silid.

—————oo00oo—————

Sinigang na sugpo, inihaw na pusit at chopsuey ang naka-ahin sa mesa, lahat ay paboritong pagkain ni Melvin. Masayang kumain ang mag-ina, kwentuhan pa rin ng kung ano-ano.

“Ma! Blooming ka. Ang ganda ganda mo at ang aura mo, sobrang maaliwalas. At palagi ka ngayong nakangiti ha. Parang hindi ka nai-stress sa mga estudyante mo ha. May nagpapaganda at nagpapasaya na ba sa iyo niyan ha, Ma?” Nakangiting pangungulit ni Melvin sa ina.

“Dati pa naman akong maganda at seksi anak. Di ba ay maraming nagsasabi na para lang tayong magkapatid at hindi kita anak ah hahaha.” Natatawa si Marta sa pagbibiro. Maganda at seksi naman talaga si Marta at hindi halata na siya ay edad trenta y otso (38) na. “Anak, bukas ay maaga kang gumising ha! Samahan mo ako sa palengke at bibili tayo na maraming ulam. May bisita kasi tayong darating bukas ng tanghalian.” Patuloy niya.

“Sino naman iyon Ma at tila napaka espesyal yata para pauwiin pa ako. Di ba sabi mo ay may importante kang sasabihin sa akin. Sabihin mo na ngayon. Kagabi pa ako isip ng isip kung anong mahalagang bagay yun eh.”

“Bukas na anak, pagdating ng bisita natin. Malalaman mo rin. Hindi ka naman makapaghintay hehehe.”

“Ikaw talaga, may pasorpre-sorpresa pa. Sige na nga, ikaw na nga ang bahala.”

Pagkakain ay tulong pa ang mag-ina sa paglilinis ng kinainan. Pagkatapos ay magkatabi pa sa panonood ng paboritong telenobela ng ina. Sadyang sabik sa isa’t isa ang mag-ina dahil walang katapusan ang kumustahan at kwentuhan. Nang matapos ang pinapanood ay nag-aya na si Melvin para magpahinga at pagod daw sa byahe at galing pa nga naman ito sa school bago diretso sa airport. Pinaalala muna sa kanya ang lakad nila bukas.

—————oo00oo—————

Abala sa pagluluto si Marta, katulong ang kanilang kasambahay na si Edna. Matagal na nilang katulong si Edna at siya na ang naging yaya ni Melvin simula pa noong ipanganak ang binata.

Kapag malayo ang ina ay palihim na kinakausap ni Melvin ang kanyang yaya Edna at nagtatanong kung may alam ito sa paguusapan nila ng ina at kung sino ang bisita nilang darating. Nakangiti lang ang yaya at ayaw magsalita. Batid ni Melvin na may alam ang kanyang yaya, kaya lang ay ayaw itong magsalita. Bigong makakuha ng inpormasyon si Melvin. Tumahimik na lang siya, tutal naman ay konting oras na lang ay malalaman na niya.

Bago pa man pumatak ang alas dose ng tanghali ay ready na ang hapag, ready na rin si Marta. Magandang maganda sa kanyang suot na damit at konting make-up.

“Ma, ang ganda ganda mo talaga. Ano ba talaga?”

Ngiti lang ang sagot ng ina. Biglang nataranta si Marta ng may humimpil na sasakyan sa harapan ng kanilang bahay. Agad na humarap sa salamin at inayos ang sarili. Sakto naman ang pagtunog ng doorbell.

Si yaya Edna ang nagbukas ng pinto at nakangiting pinatuloy ang mga bisitang bagong dating. Dalawang lalaki na may matipunong pangangatwan ang dumating, hindi maipagkakailang mag-ama ito dahil may hawig sa isa’t isa.

Sinalubong sila ni Marta at isang halik sa pisngi ang iginawad ng may edad na lalaki sa kanya.

“Hon, isinama ko na ang anak ko para formal ko nang maipakilala sa iyo at sa iyong anak. Siya si Andrew, ang nag-iisang anak ko. Isa siyang architect, twenty-six na siya at happily married, hindi lang nakasama ang misis niya dahil mahirap bumiyahe dahil sa nagdadalang-tao ito at malapit na ring manganak. Andrew, si Marta, siya ang sinasabi ko sa iyong pakakasalan ko, ang magiging stepmother mo at sana ay tangapin mo siya ng buong puso bilang bago kong asawa.”

Nilapitan naman ni Andrew ang pinakilalang magiging stepmother niya at hinalikan din sa pisngi bilang pagbati at paggalang.

Bagamat nagulat si Melvin sa narinig sa bisita ay hindi naman ito nagpahalata. Napaka gentleman naman kasi ng lalaki, gwapo at tila may kaya base sa itsura at sa kilos. Humanga rin naman ito sa pinakilalang Andrew, sobrang ma-appeal, matangkad at dahil sa sobrang gwapo at kinis ng balat ay para na itong manikin. Napakaganda ng katawan at tindig, lalo na ang bandang likuran. Bagay na bagay ang suot na damit na may pagka rugged kaiba sa kanyang ama na formal na formal ang suot.

“Gener, siya naman ang anak ko, si Melvin. Estudyante pa lang siya at kumukuha ng accountancy sa isang unibersidad sa Manila. Anak, siya ang magiging pangalawa mong ama. Anak sana ay galangin mo rin siya na tulad ng tunay mong ama, pati na rin ang magiging kuya mo na si Andrew.”

Kinamayan naman ni Melvin ang mag-ama. “Ginulat mo naman ako Ma. Sana man lang ay sinabi mo ang dahilan kung bakit mo ako pinauwi. Wala naman problema sa akin kung mag-aasawa ka uli hahaha. Pasensya na po talaga at sadyang wala akong kaideideya na magaasawa na uli si Mama.”

Bata pa naman si Marta, thirtyeight pa lang naman ito at matagal ng balo. Simula kasi ng mamatay ang asawa ay hindi na ito naisipan mag-asawa muli at inilaan na lang ang oras sa pagpapalaki ng nagiisang anak na si Melvin.

Maganda si Marta, maalaga sa katawan at napanatili ang balingkinitanag katawan sa pagdaan ng panahon, kaya hindi katakataka na may magkagusto sa kanya at ligawan kahit na may edad na rin ng konti. Isa siyang guro sa isang mababang paaralan sa isang bayan sa Cebu.

Bago sila kumain ay hiningi muna ni Gener ang pahintulot ni Melvin na pakasalan ang kanyang ina na naitakda na nila bukas na bukas din. Nakahanda na ang lahat at sa isang huwes sila magpapakasal. Hindi na naman tumutol pa si Melvin.

Isang negosyante itong si Gener, 50 years old. Bakas pa rin sa kanyang itsura ang kakisigan noong kabataan nito. Hindi nga halata na singkwenta na siya dahil bata pa rin ang itsura at malakas ang pangangatawan. Dealer siya ng mga second hand na sasakyan kung saan nanggaling ang mga naipundar niyang mga ari-arian. Sa sentro ng Cebu nakatayo ang kanyang negosyo.

“Mabuti pa ay kumain na muna tayo at kanina pa nakahanda ang hapag.” Aya ni Marta.

Sa kabisera pinaupo si Gener at magkatabi naman ang mag-ina sa isang side at sa kabilang side naman si Andrew, kaharap ni Melvin. Tahimik lang silang kumakain. Hindi maiwasang mapatingin si Melvin sa kaharap. Hangang hanga talaga siya sa kagwapohan ni Andrew. Hindi naman siya bakla pero sadya lang naakit siya sa kagandahang lalaki ng kanyang magiging stepbrother.

—————oo00oo—————

Pagkakain ay dinala ni Marta ang mag-ama sa veranda para doon mag-usap. Maganda kasi ang tanawin doon kapag gabi dahil sa ibat ibang ilaw na makikita, bukod sa malamig at mahangin doon. Kasunod din naman kaagad si Melvin na may dalang isang bote ng mamahaling alak at wine glass. Uminom sila habang nagkukwentuhan. Maging si Marta ay nag shot din ng konti.

“Melvin, saan ka nag-aaral at natuloy sa Manila?” tanong ni Gener.

“Sa Espanya po ang unibersidad namin at nag board lang ako malapit doon.” Sagot ni Melvin.

“Siguro ay sa bahay ka na lang tumuloy. May libre pang silid doon at para makatipid din ikaw ng renta. Pabor din sa akin hehehe, kasi ay may makakasama na si misis kapag nasa trabaho ako habang wala ka pang klase.” Alok ni Andrew.

“Mas maganda pa nga Melvin. Nasa Sampalok lang ang bahay at sarili na nila iyon. Isang sakay lang siguro papuntang eskwelahan.” Segunda ni Gener.

“Kuya, Tito, nakakahiya po yata. Baka po makaabala ko sa kanila.”

“Ano bang ikahihiya mo ay magkuya na nga tayo simula bukas di ba? Saka talagang gusto ko na may kasama ako sa bahay lalo na at lalaki. Alam mo naman sa Manila, delikado minsan sa akyat bahay. Ayaw mo nun, may kasama ka na sa pag gi-gym, sabay tayo ha.” – si Andrew.

“Pano, sa ayaw at sa gusto mo ay doon ka na kina Andrew titira,” – si Gener.

Napatingin si Melvin sa ina na tumango lang naman tanda ng pagsang-ayon. “Sige na anak, para malapit ka na sa kinakapatid mo.” Salo ng ina.

Nagkaayos naman sila at nagkasundo pa na sabay na silang luluwas ng Manila pagkatapos ng kasal.

—————oo00oo—————

Naging maayos naman ang kasal, piling pili lang ang mga inimbitahang kaibigan at kapamilya. Sa isang resort na idinaos ang reception. Schedule ng bagong kasal kinabukasan ang lumipad patungong Thailand, kaya nagpaalam na rin sina Andrew at Melvin para bumalik na ng Manila bandang hapon.

“Sunduin na lang kita sa boarding house mo bandang hapon ha para makapag-paalam ka ng maayos sa landlady ninyo at sa mga kaibigan mo roon. Dapat ay nakabasta na lahat ang mga gamit mo para makaalis na agad pagdating ko.” Bilin ni Andrew. Nauna kasi siyang bumaba ng taksi mula sa Airport.

Reading ready na si Melvin pagdating ni Andrew, dala nito ang kanyang kotse. Ilang kahon lang ng mga libro at ilang kagamitan at damit ang kanyang nakabasta.

“Love, narito na kami.” Hiyaw ni Andrew.

“Narito ako sa kusina Love. Dito na muna kayo tumuloy para makakain na tayo.” Si Chona, ang misis ni Andrew.

“Okay Love, tulungan ko lang muna si Melvin na mag-akyat ng gamit niya sa magiging silid niya. Baba din kami kaagad.”

“Mamaya mo na ayusin yan Vin, baba muna tayo at kumain.” Nauna nang bumaba si Andrew at kasunod din naman si Melvin. Pinakilala muna siya sa kanyang asawa.

“Love, siya sinabi ko sa iyong stepbrother ko, si Melvin.” Pakilala ni Andrew.

“Magandang gabi Ate. Mahusay palang pipili si Kuya Andrew, napakaganda mo pala talaga. Ate, may kapatid ka pa hehehe, joke lang.” magiliw na bati ni Melvin na may pagbibiro pa.

“Gusto ko iyan, palabiro. Huwag kang mahihiya dito ha! Feel at home ka lang.” – si Chona.

Pagkakain ay nagkwentuhan muna sila. Agad naman silang nagkapalagayan ng loob. Sadyang maganda si Chona at mukhang mabait at hindi suplada. Maputi ang balat at matangos ang ilong at may mapupulang labi. Dati ring nagtatrabaho sa bangko bago siya nag maternity leave.

Saglit pa ay nagpaalam na ang mag-asawa para magpahinga na at matulog. Naiwan pa si Melvin at nagmasid masid sa kabahayan. Maganda ang bahay, malaki at up and down ito. Bahay daw ito nang Lola ni Andrew na ipinamana sa kanila noong mamatay na ito at sa kanya naman ibinigay ng kanyang Papa.

Malaki ang sala at may roon pang bar kung san nakadisplay ang ibat ibang alak at mga wine glasses. May malaki ring garahe na kasya kahit tatlong kotse. Malaki rin ng dining area at pati banyo. Mayroon ding maayos na labahan at sa likod ay may bakante pang lote kung saan naroon ang ibang halaman. Isang maliit na kwarto ang malapit sa laundry area. Para siguro iyon sa kasambahay.

Sa itaas ay tatlo rin ang kwarto, isa sa mag-asawa at siyang pinakamalaki at nasa unahan ng bahay, may veranda sa harapan. Sa gilid ng silid ng mag-asawa ay may maliit pa ring sala at may TV din doon at component. Magkatapatan naman ang silid ni Melvin at ang guest room. Sa bandang dulo ang banyo at may maliit ding kusina at may refrigerator din. Kung tinatamad kang bumaba ay pwede ka nang dito uminom at magkape.

Nagtuloy na ng kanyang silid si Melvin. Malaki din ito. May isang study table, malalaking cabinet at king size ang kama. May aircon at sariling TV rin sa loob ng kwarto. Inayos na ni Melvin ang kanyang mga gamit. Isang cabinet ang naglalaman ng mga kubre kama, kumot at punda ng unan. May extrang unan din na hindi pa nagagamit dahil flat pa ito at airsealed. May mga twalya rin doon at bathrobe, tsinelas na pambahay.

Sa gilid sa unahan ng kama ay may parang dresser kung saan nakalagay ang iba’t ibang pabango na mamahalin at lotion na ewan lang kung expire na dahil tila hindi pa nagagamit at sa kabilang gilid ay isang lampsahade. Pang-mayaman talaga ang pagkakagawa sa bahay. Maging ang mga kagamitan at muwebles ay masasabing first class. Panatag na nakatulog si Melvin.

—————oo00oo—————

“Good morning! Ang aga mo yatang nagising. Maaga ba ang pasok mo ngayon?” Ang bati ni Andrew na nagkakape na nang bumaba si Melvin.

“Oo kuya, eight ang unang subject ko kapag mwf at nine naman kapag tth.” Halika na at nakaluto na si Chona. Siya muna ang nagluluto sa umaga, ano lang naman, madali lang lututin, itlog, ham o di kaya ay hotdog. Wala pa kasi kaming makuhang kasambahay.

Naupo na sa mesa si Melvin, nagkape na rin siya kahit na hindi naman siya mahilig sa kape. Juice kasi ang gusto niya pag umaga at nahihiya naman siyang manghingi. Wala ng tshirt si Andrew kaya napagmasdan mabuti ni Melvin ang magandang katawan ng kanyang stepbrother. Hindi niya maintindihan kung bakit parang uminit ang kanyang pakiramdam. Parang napaso sa nakikitang mala Adonis sa kagwapohaan at kagandahan ng pangangatawan. “Nasan nga pala si Ate. Akala ko kasi ay nasa kusina pa.”

“Ah umakyat na at ihahanda raw ang bihisan ko.”

“Ang swerte mo kuya ano? Ang ganda ganda ni Ate, pang beauty queen at ang bait bait pa. Swerte rin naman siya at mabait ka rin at sobrang gwapo rin.”

“Sobrang bait niya at mahal na mahal ko ang ate mo. Ang daming nanligaw diyan, ang swerte ko nga at ako ang pinili. Sige ha at maliligo pa ako. Maiwan na kita.”

Dadalhin na sana ni Andrew ang ginamit na tasa at plato ng pigilan siya ni Melvin. “Ako na kuya ang magdadala niyan sa lababo, hugasan ko na rin tuloy. Siguro ay agahan ko na rin ang gising para ako na ang magprepare ng breakfast natin. Yun man lang ay maitulong ko sa pagtira ko dito.”

“Haha, huwag mo nang isipin iyo, pero kung gusto mo eh ikaw ang bahala. Sige, akyat na muna ako.”

Sinundan pa ng tingin ni Melvin ang paakyat na si Andrew. Napapailing siya sa tanawing iyon. Maganda rin nman ang katawan ni Melvin, nasa tamang lugar na ang kanyang mga muscles, hindi pa nga lang kasing defined tulad ng kay Kuya Andrew niya. Konting workout pa at makukuha na niya ang tamang proportion ng kanyang muscles sa katawan.

Naligo na rin si Melvin at doon na sa itaas na banyo siya naligo. Paglabas niya ng banyo ay nakabihis na si Andrew at handa na sa pagpasok. Napa “wow” siya sa sarili sa pagkakita sa kanyang stepbrother. Bagay na bagay kasi sa kanya ang suot na long sleeves na blue at black pants. Dahil sa tama lang ang laki ng kanyang katawan ay ang ganda ng lapat sa kanya ng suot na damit. Maganda siyang magdala ng kahit anong damit dahil na rin sa kanyang height. Ihinatid pa siya ni Chona sa ibaba.

Ang sweet nilang tignan. Hindi maalis ni Melvin ang pagkakatingin sa dalawa lalo na sa kanyang kuya Andrew.

—————oo00oo—————

Kumakain sila ng hapunan ng ayain ni Andrew na mag-jogging si Melvin. “Vin, Sabado bukas, sama ka sa akin, jogging tayo diyan sa Luneta. Gising ka nang maaga ha, mga four ng umaga ay lakad na tayo, may sasakyan naman tayo pa Luneta.”

“Sige Kuya, hindi na nga ako nakaka jogging, matagal na.”

“Saan ka ba naggigym”

“Diyan lang sa malapit dati sa boarding house namin, malapit din sa school. Twice a week lang ako nadyi-gym kuya, at sa hapon iyon.”

“Sama ka na lang din sa akin, twice a week din kasi kung ako ay mag-gym. Kadalasan ay Martes at Huswebes, 8 ng gabi pagkagaling ng office, diyan lang din sa may Welcome Rotonda. Member na ako doon, i-member din kita para may kasabay na ako lagi. Maganda ang mga equipment doon, mga makabago at talagang bago pa.”

“Baka naman mahal magmember kuya.”

“Huwag kang mag-alala, kaibigan ko ang may-ari kaya hindi ka mamahalan noon, kayang kaya mo na yan.’

“Sagutin mo na lang kasi.” Salo ni Chona.

“Okay, sabi ni misis eh, ako na ang bahala. Baka kasi awayin ako niyan kapag hindi ko pinagbigyan eh hahaha.”

“Kuhh, ang sabihin mo ay kuripot ka lang hahaha.”

“Thank you ate, kuya.”

—————oo00oo—————

Bago pa mag alaskwatro ng madaling araw ay nakaready na si Melvin. Hinihintay na lang niya ang pagbaba ng kanyang kuya. Saktong alas kwatro ay nadinig na niya ang yabag sa itaas. Pababa na si Andrew. Isang hindi kahabaang jogger short at fit na fit na sando ang suot nito samantalang siya ay naka jogger pants. Napalunok pa siya ng laway pagkakita sa kanyang stepbrother. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganon na lang ang paghanga sa kinakapatid. Iba kasi ang dating para sa kanya ng kagwapuhan ng kanyang itinuring nang tunay na kuya.

Nalaman ni Melvin na marami rin palang nag dya-jogging sa Luneta. Sinabayan niya sa pagtakbo ang kanyang kuya. Noong una ay magkaagapay lang sila sa pagtakbo, kalaunan ay nahuli na siya at nakabuntot na lang sa nauunang si Andrew. “Kaya pa ba? 15 minutes na lang at titigil na tayo hehehe.”

“Kakayanin ko kuya, wala lang akong praktis na matagal na kaya medyo madali akong napagod hehehe.”

“Okay! Sinabi mo eh, 15 minutes.”

Ang totoo ay kayang kaya pa ni Melvin ang tumakbo kahit na kalahating oras pa. gusto lang niya talagang makita ang behind ni Andrew. Gandang ganda kasi siya sa likoran ng kinakapatid, bawat galaw kasi ng kanyang balakang ay parang sayaw sa kanyang paningin lalo na kapag umaalog alog ang matambok na laman ng pwet nito. Para naman talagang ang sarap pisil pisilin ng pwet ng lalaking ito. Marami ngang mga nakakasabay sila na napapatingin sa kanilang dalawa, lalo na kay Andrew, matanda, bata, babae o binabae.

Huminto na sila sa pagtakbo after fifteen minutes. Naglakad na sila papuntang sasakyan sa parking area. Pawis na pawis ang dalawa, nangingintab pareho ang balat dahil sa pawis.

“Brod! Paki punasan mo nga ang likod ko ng matuyo ang pawis. Baka malamigan tayo pagsakay natin ng kotse.” Pakiusap ni Andrew. Antemanong sumunod si Melvin. Kagat labi pa habang pinupunasan ng towel ang likuran ng kinakapatid. Tila nawala pa nga siya sa sarili dahil nang tumagal ay sa isang parte na lang ng likod ang ginagawang pagpunas, tuloy ay pinuna na siya ni Andrew. “Baka naman umapoy na yang parteng iyan ng likod ko Vin. Hahaha.”

“Ay sorry kuya, napatanga kasi ako doon sa nagdaan hehehe, sexy eh. Okay na sa likod, diyan na lang sa harap.” At siya na ng ang nagpunas sa matambok na dibdib ni Andrew. Hindi napigil na papurihan sa ganda ng katawan nito. “Ang ganda ganda ng katawan mo Kuya! Ang tigas ng muscles at firm na firm. Saktong sakto ang pagka-tone ng mga muscles mo. At grabe kuya, 8packs na pala ang abs mo. Kelan kaya magiging ganyan katawan ko?”

“Konting panahon na lang. Okay na naman ang katawan mo eh. Syanga pala, sa Tuesday, hintayin kita ng 8 doon sa gym ha. Naparegister na kita at bayad na rin ang monthly dues mo.”

“Salamat kuya ha!” Pinunasan din naman ni Andrew ang kanyang likoran at umuwi na rin sila.

“Sa susunod ay sa may PICC tayo. Mas maraming chix doon hehehe.” Pagbibiro ni Andrew habang nagdadrive pauwi.

Pagdaan nila sa Quiapo ay “Kuya, daan tayo diyan sa may simbahan, bili na tayo ng pang-ulam natin mamayang tanghalian. Mura at sariwa ang mga gulay at isda diyan.”

“Mahirap mag-park dito ah. Ikot na lang tayo at doon tayo sa ilalim.”

“Dito na lang ako kuya, hanap ka na lang ng parking at puntahan kita mamaya pag nakabili na ako. Mag text na lang ako sa iyo.”

“Sasama ako, gusto ko rin matutunan ang pamamalengke.”

Hindi na tumutul pa si Melvin. Magkasama silang nakipagsiksikan sa mga namimili. Nakabili naman sila ng sugpo, alimasag, lapu-lapu at kung ano anong mga gulay. Talagang nakipagtawaran pa ang magkinakapatid. Ginamit ang gandang lalaki kaya maraming nagpatawad sa kanila. Bumili na rin sila ng prutas, karneng baka, baboy at manok.

“Ano bang paboritong ulam ni Ate.”

“Kahit ano ay kinakain niya. Hindi siya maselan sa pagkain, kaya lang, dahil buntis siya ay marami pa siyang hindi pwedeng kainin. Gulay, isda at prutas muna.”

“Ah! Okay. Mag sweet and sour ako ng lapu-lapu at gulay. Yung iba syempre ay sa freezer muna hehehe. Dami kasing pinamili mo eh.”

“Marunong ka palang magluto.”

“Oo. Tinuruan ako ni Mama.”

Masayang nagtulong ang dalawa sa paglilinis ng pinamili at nag-ayos sa freezer ng ibang isda at karne. Tulong din sila sa pagluluto.

“Masarap ka palang magluto Melvin, baka tumaba ng husto ang love ko. Kasalanan mo yan hehehe.” Puri ni Chona na may kahalong biro.

“Ate, ako na ang magluluto ng hapunan natin, dadagdagan ko na lang para may iinitin ka na lang kinabukasan. Kasi ay hindi naman kami kakain dito sa tanghali. Okay lang ba sa iyo.”

“Oks na oks,”

—————oo00oo—————

“Umiinom ka naman di ba Vin. Inom tayo pampaantok lang. Anong gusto mo, beer o hard.” Pag-aya ni Andrew makakain sila ng hapunan.”

“Subukan ko ang hard kuya. Shot shot lang ha at hindi ako sanay sa hard. Sa beer nga eh hilo na ako sa apat, sa red horse nga ay dalawa lang ay tulog na ako hahaha.”

“Love, akyat na ako ha. Maiwan ko na kayo. Huwag masyado maglalasing at may lakad tayo sa doctor ko bukas ng umaga.”

“Yes love.” At hinalikan sa pisngi ang asawa bago ito umakyat.

Maraming napagkwentuhan ang dalawa. Sa konting panahon na pagtira ni Melvin sa bahay ng kanyang stepbrother ay naging magkapalagayang loob na sila. Close na, ika nga.

“Kuya, ilang linggo na lang ay tatay ka na. Excited ka na ba.”

“Sinabi mo pa! Sobra! Ang sarap kaya ng feeling lalo na at mahal na mahal mo ang magiging ina ng anak mo. May nakahanda na nga akong pangalan pag lalaki o babae. Pag lalaki ay Claude, Claudio kasi ang panglan ng lolo niya sa side ni Chona, pag babae naman ay Cherry, hango sa pangalan ng lola ko na Cirila hahaha. Ang baho ng pangalan ni Lola ano hahaha.”

“Ang ganda nga eh. Unique sa panahon ngayon, Cirila, hahaha.”

“Papano yan kuya, eh hindi pwede. Anong ginagawa mo?”

“Tiis tiis lang muna hehehe. Saka anong ginagawa nito.” Iminuwestra ang kamay na nakakumpol at iginalaw galaw na parang nagbabate ng itlog. Tawanan ang dalawa.

“Gusto mo ng tulong hahaha.” Pagbibiro ni Melvin.

“Oo, gusto ko.” Saka tumayo si Andrew at hinawakan ang ulo ni Melvin at pilit na idinidikit sa harapan niya. Tawanan lang ang dalawa sa kalokohan nila. Makaraan ang may isang oras na kwentuhan at pa shot shot ng alak ay nag-aya nang umakyat si Andrew at sasamahan pa raw ang asawa bukas sa doctor nito para magpacheck-up.

Nagpaiwan pa si Melvin at iimisin pa raw ang kanilang kalat. Napakamot siya sa ulo ng maalala ang sinabi niya kanina sa kinakapatid. Hindi niya akalaing masabi ang ganung biro na tutulungan sa problemang sekswal ito. Nag-aalala siya na baka kung anong isipin at akalaing bakla siya. Umakyat na rin siya at nagtungo na sa kanyang silid.

Hindi pa rin siya mapakali, kung ano anong bagay ang pumapasok sa kanyang isipan. Nagtataka rin siya sa sarili nitong makilala na niya si Andrew. Parang may nabago sa kanyang pagkatao. Totoong humahanga rin siya sa mga lalaki lalo na sa maganda nilang physique pero wala lang iyon. Dito kay Andrew ay parang hindi lang paghanga, may kasamang malisya. Nakatulugan na niya ang isiping iyon.

—————oo00oo—————

“Bahala ka muna dito sa bahay Melvin. Magpa check-up lang ako kasama ang love ko.” Paalam ni Chona.

Nakaramdam ng inggit si Melvin sa nakitang pagaalaga ni Andrew sa asawa. Hindi siya makapaniwala sa nararamdaman. Alam niyang mali kaya pilit na iwinawaksi kung ano mang ang nararamdaman.

—————oo00oo—————

Martes ay nagpunta siya ng Gym na sinasabi ni Andrew. Nakita na niya kaagad ang kinakapatid pagpasok pa lang niya sa gym.

“Kuya.” Lumingon kaagad si Andrew. Alam na niyang si Melvin ang tumawag dahil kabisado na niya ang boses nito. “Vin! Halika, pakikilala kita sa kaibigan ko na may-ari nitong gym.”

Pumasok sila sa isang room na puro salamin ang dingding. “Benny, excuse sandali. Pakikilala ko lang sa iyo ang stepbrother ko. Siya yung pinaregister ko sa iyo noong isang araw.” Nag-angat ng ulo ang tinawag na Benny. “Andrew! Siya ba yung Melvin na sinasabi mo?”

“Siya nga. Melvin si Benny. Siya yung sinasabi ko sa iyong may-ari ng gym.”

Lumapit sa kanila si Benny at kinamayan si Melvin. “Welcome na welcome ka dito Melvin kahit anong oras o araw. Basta kaibigan ni Andrew ay welcome dito lalo na at gwapo hahaha.” Ineksamin muna ni Benny ang katawan ni Melvin, pinisil pisil ang mg muscles sa braso, sa hita at kung saan saan parte ng kanyang katawan. “Hmm, konti na lang pala ang ating aayusin eh. Maganda na rin ang porma, konting dagdag bawas na lang at pwede ka na sa male pageant hahaha.” Wika pa ni Benny.

“Interesado ka ba sa mga male pageant Vin? Alam mo ba na marami ng nanalo sa male pageant na dito nagwoworkout.” – si Andrew.

“Naku kuya hindi! Wala akong hilig sa ganun, saka mahiyain ako.”

“O! Pano! Ikaw na muna Andrew ang bahala kay Melvin. Marami pa lang akog inaasikaso. Okay?” – si Benny.

“Salamat Benny, dito muna kami.”

Kalahating oras lang naman sila nagworkout. Wala kasing kasama si Chona sa bahay. Ang mahalaga ay napakilala na niya ang kinakapatid kay Benny.

—————oo00oo—————

Naging routine na nila ang pag jajogging tuwing Sabado at regular na naman si Melvin sa Gym. Hindi na kasi maiwan mag-isa ni Andrew ang asawa sa gabi.

Muli ay nag-aya si Andrew ng pag-inom isang gabi ng Sabado.

From the Same Author:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: