Sabik (Part 2): Unang Gabi

Nang sumunod na linggo ay binalikan ko na rin ang boarding house na iyon. Maliban sa nahirapan na rin akong makahanap ng iba pang bakante ay nagustuhan ko na rin naman ito dahil kahit na luma na iyon ay maayos pa rin naman at malinis.

Isang lumang bahay ito na may dalawang palapag. Sa ibaba ay may limang maliliit kwarto — pang-isahan lamang ito. Sa itaas naman ay mayroon lamang dalawang malalaking kwarto.

Nang mag-inquire ako ay sa isang kwarto na lang sa itaas mayroong bakante kaya ito na ang ipina-reserve ko noon.

”Apatan itong kwarto pero tatlo pa lang kayong boarders ngayon,” paliwanag ng caretaker na si Ate Baby nang samahan niya ako dito sa kwarto noong nag-iinquire pa lamang ako.

Simple lang ang layout ng kwarto. Pagbukas ng pinto ay makikita na agad sa magkabilang side ang dalawang double deck. May maliit na pahabang table naman sa gitna at may apat din na upuan. Sa kanang sulok naman ng kwarto ay ang built-in cabinet. May apat na dibisyon ito, sakto lamang sa boarders. Sa kaliwang dulong bahagi naman ng kwarto ay ang CR.

“Dito sa kanan sa ibaba si Dindo, dun naman sa kabila si Dwight. Pareho yatang pumasok sa trabaho ngayon. ‘Yung mga ibabaw na kama ang bakante, bahala ka nang pumili kung saan mo gusto,” paliwanag noon ni Ate Baby.

Pagbalik ko ngayon ay dala ko na ang mga gamit ko. Di naman karamihan ang dinala ko dahil ayokong magbitbit ng mabigat. Isang may kalakihang traveling bag lang at isang backpack ang dala ko.

Matapos magpakita kay Ate Baby sa maliit niyang tindahan sa ibaba ng boarding house ay dumiretso na ako sa kwarto sa itaas. Pagtulak ko ng pinto ay nagulat ako na may tao pala sa loob. Nabanggit kasi ni Ate Baby dati na parehong day shift ang pasok sa trabaho ng mga magiging roommates ko kaya di ko inakalang may tao ngayon dito.

”Pasens’ya na, akala ko walang tao,” paliwanag ko. Kung bakit naman kasi hindi man lang ako kumatok. Sakto pa namang nagbibihis siya at tuwalya lamang ang nakabalot sa pang-ibabang katawan niya.

”Ayos lang. Ikaw si Alfie?”

Medyo napakunot ang noo ko dahil alam niya agad ang pangalan ko.

”Nabanggit na kasi ni Ate Baby na may bago kaming roommate. Ako nga pala si Dindo,” pakilala niya.

”Ah. Oo, Alfie, bro,” pakilala ko sabay-abot ng aking kamay.

Inabot naman niya ang kamay ko at tumango.

Dito ko napagmasdan si Dindo. Mga 5’7” ang height, katamtaman ang pangangatawan, at moreno. Napatitig ako sa katawan niya na noon ay may ilang butil pa ng tubig. Mukhang katatapos lang niyang maligo.

”Pasens’ya ka na ha, baka di ka sanay na may kasamang nakahubad,” sabi niya nang mapansin niyang nakatitig ako sa hubad niyang katawan.

Medyo nahiya naman ako nang mahuli niyang nakatitig ako sa kaniya. ”Ayos lang ‘yun. Sanay ako d’yan,” paliwanag ko. Ipinatong ko na sa mesa ang ilang mga gamit na dala ko.

”Sabagay. Saka pare-pareho naman tayong lalaki. Wala namang malisya, di ba?” Ngumiti rin siya na sinabayan pa niya ng kindat.

Napangiti na rin ako kahit na tila medyo may kakaiba sa pagkakasabi niya. Nakatingin pa rin ako sa kaniya na tila abala naman sa pagpili ng damit sa kaniyang cabinet.

”Pili ka na lang kung saan mo gusto. Gusto mo ba sa ibabaw ko?”

”Ha?” Di ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin.
”Dito sa double deck. Ako kasi dito,” sabay turo niya sa bed niya na nasa kanan, “at si Dwight doon.”

”Ah. D’yan na lang ako sa ibabaw ng kama mo, sagot ko naman.” Nilapitan ko na ang bakanteng espasyo sa built-in cabinet na itinuro sa akin ni Ate Baby noon. Binuksan ko ito at nang makita kong malinis naman ay nagsimula na akong mag-alis ng mga gamit ko mula sa bag na dala ko.

“Medyo malikot akong matulog ha. Baka maabala kita kapag oras na ng tulugan,” babala niya.

Nang lingunin ko siya ay nakapagsuot na ito ng sando. Eksakto namang tinanggal niya ang tuwalyang nakabalot sa pang-ibabang katawan niya at nagsuot ng boxer shorts. Hindi ko tuloy naiwasang masilip nang mabilisan ang kaniyang ari.

”Malalim naman akong matulog, di ako basta-basta nagigising,” sagot ko naman na agd na nagbaling ng paningin. Pakiramdam ko ay namula ako sa nakita ko.

”Ayos. Kahit magjakol ako dito sa baba, di ka magigising?” Nakangisi niyang tanong.

Natawa na lang ako sa tanong niya. “Kahit ano pang gawin mo. Haha! Isa pa, panggabi naman ang pasok ko sa trabaho kaya sa araw lang ako andito.”

Patuloy siya sa pakikipagkuwentuhan sa akin. Dito ko nalaman na sa isa rin siyang call center agent pero day shift siya. Australian account daw ang hawak nila kaya Australian time ang sinusunod nila.

Ang isa pa naming roommate na si Dwight naman ay salesman daw sa department store sa SM Clark. Umuwi raw ito kahapon sa probinsiya nila sa Bulacan dahil sa isang family emergency.

Nang malaman niyang sa Lunes pa ng gabi ang pasok ko ay nagyaya siyang uminom ngayong gabi — bagay na hindi ko naman tinanggihan. Bumili na lamang kami ng ilang bote ng beer sa 7-Eleven, yelo, at chichiria na rin na pulutan bago umuwi.

Pagdating ng boarding house ay naligo na muna ako para mapreskuhan. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong inihahanda sa mesa ang iinumin namin.

”Balot na balot ka na agad paglabas ng banyo ah,” tila kantiyaw niya sa akin.

”Medyo nahihiya pa,” pangangatwiran ko na lamang.

”Hindi uso ang hiya dito, bro,” hirit niya.

Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

”Dapat walang malisya, walang hiya-hiya. Cool lang. At home lang.”

Muli akong ngumiti.

“Ako nga, madalas na naka-underwear lang pag andito sa kwarto. Kaya ‘wag ka nang mabibigla,” paalala niya.

Humarap na ako sa kaniya sa mesa at umabot ng isang beer at nagsalin sa baso na may yelo.

”Sanay naman ako sa ganyan,” sabi ko sa kaniya matapos kong uminom ng alak.

”Ayos. Mukhang magkakasundo talaga tayo. Di na ko maaalangan,” hirit niya.

”Okay lang, gawin mong gusto mo. Ganito talaga ang buhay sa boarding house. Halos walang privacy,” tugon ko.

”Kahit magjakol ako?” Pangalawang hirit na niya iyon tungkol sa bagay na ‘yun.

”Sige lang. Kahit sabayan pa kita,” pagsakay ko sa biro niya na sinabayan ng tawa.

”Sabi mo ‘yan ha!”

Pansin ko na parang hindi siya nauubusan ng kuwento. Kahit sa mall kanina ay palagi siyang bangka sa kuwentuhan. Hindi pa siya nakainom ay madaldal na, paano pa kung medyo nakainom na at nalasing na?

Kung ano-ano na ang napagkuwentuhan namin.

25 years old pa lamang siya. Panganay sa limang magkakapatid. Nakaabot naman ng second year college. Napilitang huminto na para makatulong sa pamilya. Apat na taon na raw siyang nagtatrabaho sa call center.

Nakakaapat na bote ng beer na kami pareho nang magpaalam siyang magsha-shower lang saglit dahil nanlalagkit na raw siya. Tumango lang ako.

Pagpasok niya ng banyo na nasa loob din ng aming kwarto ay nagligpit na ako ng ilang kalat namin sa table. Itinabi ko na rin ang basyo ng beer na naubos na namin.

May tig-dalawang bote pa kami.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Medyo lasing na ako dahil di naman talaga ako sanay uminom. Nakakadalawang bote pa lamang ako kanina ay ramdam kong medyo may tama na ako.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Dindo ng banyo na nakatapis lamang ng tuwalya. Dumiretso siya sa harap ng cabinet niya.

”Lasing ka na?” Tanong niya.

“Medyo,” sagot ko sabay tingin sa kaniya.

Nagulat ako dahil saktong nagsusuot pala siya ng boxers habang nakaharap sa akin. Nakita ko na naman tuloy ang hindi dapat makita. Pakiramdam ko tuloy ay namula akong lalo.

Kung kaninang umaga ay nakita ko ang mabilisan niyang pagsusuot ng boxer shorts, ngayon ay tila sinadya niyang bagalan ang pagbibihis. Halos nakabuyangyang tuloy sa harap ko ang kaniyang pagkalalaki.

”Oh, akala ko ba sanay ka na?” Pansin niya yata na nabigla ako sa nakita ko.

”Oo nga. Pero binibigla mo naman ako,” biro ko na sinundan ko ng pag-inom sa baso ng beer.

Muli na siyang humarap sa akin sa table. Nakahubad-baro siya at boxers lang ang suot. Tila nakaramdam tuloy ako ng kakaibang init ng katawan.

”Alam mo, masanay ka na. Lalo na pag nakilala mo si Dwight. Baka mas mabigla ka,” aniya na sinabayan niya rin ng tawa.

”Bakit naman?” Na-curious tuloy ako.

”Basta,” sagot niya habang tila nakangiti ng may ibig sabihin.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa iniinom kong beer. Gusto kong maubos na para makapagpahinga na rin.

”Bakla ka ba, bro?” Diretsahang tanong niya na medyo ikinabigla ko.

”Ano sa tingin mo?” Tila nanghahamon ko namang sagot.

”Oks lang. Wala namang problema sa akin.”

”Hindi mo naman sinagot ang tanong mo,” biro ko sa kaniya. Tila lasing na nga ako kung kaya’t nagagawa ko na lang na sumagot nang ganoon.
”Ako nga ang nagtanong, ako pa ang sasagot?”

”Maiilang ka ba kung sabihin kong bakla nga ako?” Tiningnan ko siya sa mata.

Hindi ko naman ikinakaila sa sarili ko na nalilibugan din talaga ako sa kapwa ko lalaki. Nagkaroon naman ako ng dalawang girlfriend noong high school. Pero pagtuntong ko ng college, nagsimula na akong mag-eksperimento sa kapwa ko. Hindi nga lang ako open kahit sa mga kaibigan ko. Hindi pa “out” kumbaga.

”Sino ngayon ang naiilang? Akala ko ba walang ilangan,” may halong pang-aasar at biro ko sa kaniya.

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at biglang hinila pababa ang suot na boxers sabay ngisi sa akin.

”Oh ayan, sinong naiilang? Sinong nahihiya?” Iwinagayway pa niya ang hinaharap niya sa akin.

Medyo ikinagulat ko ang ginawa niya ngunit dahil medyo lasing na ay tila iba na ang naging epekto nito sa katawan ko.

Muli siyang umupo matapos ayusin ang pagkakasuot ng boxers.

“Sorry, baka nabastusan ka sa ginawa ko,” tila natauhan niyang sabi sabay inom ng alak.

”Ayos lang. Sanay ako sa ganyan,” sagot ko naman. “Nagkaroon ako ng girlfriends dati pero nalilibugan din ako sa kapwa ko lalaki,” paliwanag ko.

”Sa akin, nalilibugan ka ba?”

From the Same Author:

 1,713 views

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
Back To Top
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
%d bloggers like this: