Luis POV
Pasukan na naman at unang taon ko sa kolehiyo, halo halong emosyon ang nararamdaman ko. May lungkot, dahil sa unang pagkakataon ay mahihiwalay ako sa pamilya ko. Doon kasi ako sa kabilang bayan mag aaral at kailangan ko mag bed space pansamantala. Nandiyan din ang takot, dahil sabi nila mas mahihigpit na mga guro at mas mahihirap na ang mga pag aaralan. Pero hindi mawawala ang labis na saya at excitement dahil sa bagong paaralan, mga bagong kaklase’t kaibigan at higit sa lahat sa mga bagong karanasan na naghihintay sa akin.
Ako nga pala si Luis, labing pitong (17) taong gulang, 5’5 lang ang height at katamtaman ang pangangatawan. Sabi nila may itsura daw ako at madalas sinasabi ng mga nakakatanda sa lugar namin kamukha ko daw si Richard Gomez noong kabataan niya (uy! sila ang may sabi nun, hindi ako :). Alam ko, sa sarili ko na malambot ako at nagkakagusto sa kapwa ko lalaki pero kailangan ko itong itago at pagtakpan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga girlfriend noong nasa high school pa ako. Siguro, para iwas sa kahihiyan at ng hindi mapag-usapan ng ibang tao. Salamat nalang at nasa college na ako, ngayon nagkaroon ako ng dahilan para itigil na ang mga kalokohan tungkol girlfriend na yan. Panahon na para magpakatotoo at palayain ang sarili. Pero wala pa naman sa isip ko na mag boyfriend agad, sabi ko kailangan ko muna makapagtapos ng pag aaral para matanggap nila ako kung sakaling malaman nila ang katotohanan. Pero sa ngayon explore explore muna sa bagong mundong papasukan.
Lunes na ang pasukan, sabado kailangan ng lumuwas papuntang boarding house. Marami pa kasing dapat ayusin sa bago kong titirhan. Halos gabi na ng makarating ako. Sinulit ko pa kasi ang mga natitirang oras para makasama ang pamilya bago ako tuluyan humiwalay ng tirahan.
Isang lumang bahay na may dalawang palapag na ginawang boarding house/bed spacer ang pansamantala kong magiging bahay habang nag aaral ako. Nasa gilid lang ito ng kalsada at kapansin pansin na halos tabi tabi at magkakaharap lamang ang mga boarding house dito. Puro nga pala lalaki ang makakasama ko sa bahay at talagang exciting ito, baka dito ko makilala ang 1st boyfriend ko…joke lang…… Si Tita Elsa ang may ari ng paupahan na ito, isang matandang dalaga, mukhang napaka sungit sa unang tingin pero ang totoo ubod pala ng bait ang taong ito.
Dahil gabi na nga ako nakarating pansin ko mula sa labas ang dami ng tao sa ikalawang palapag ng bahay, halos lahat ng nangungupahang estudyante ay naroon na yata at abala sa pag aayos ng kanilang mga gamit. Dahil hindi ko pa alam kung saang silid ako matutulog. Pumunta muna ako sa bahay ni Tita Elsa sa may likuran bahagi ng boarding house, buti nalang at gising pa siya at talagang hinihintay ako.
Tok…tok…tok… “Tao po… Magandang Gabi po, Tita… gising pa po kayo? Si Luis po ito”….
Maya maya bumukas ang pintuan….
“Ikaw pala yan Anak…mukhang natagalan ka sa byahe ha?”
“Hindi naman po Tita, late lang nakaluwas at nag enjoy lang sa last bonding kasama ang pamilya”
“Ganun ba? Ano pa’t masasanay karin na hindi mo na sila kasama…. Halika at akyat tayo para makita mo ang kwarto kung saan ka matutulog at makilala narin ang mga makakasama mo”
“Sige po…pasensya na po pala sa abala Tita at naistorbo ko pa yata kayo”
“Ano ka bang bata ka….walang istorbo pagdating sa mga boarders ko, lahat kayo ay tinuturing kong mga anak..puro nga lang lalaki at mukhang napadami…” sabay tawa na malakas.
“Sandali nga lang at mauna ka muna sa itaas, isasara ko lang iyong gate at may kukunin lang din ako sa bahay nakalimutan ko ung mga papel na kailangan kong ibigay sa inyong lahat”
“Sige po Tita….antayin ko nalang po kayo doon….
Pagdating sa taas….nagulat ako sa aking nakita….
Mga lalaking walang suot na T-shirt at tanging maiikling short ang takip sa katawan. Kapansin pansin sa kanilang harapan ang mga galit na alaga na kanina pa yata gustong kumawala. Hindi ko mapigilang matulala sa mga katawan nakapalibot sa akin, ang mga pawisang dibdib at 6 pack abs na tila nagpagising din sa natutulog kong alaga….. Boarding house ba talaga ito? Bakit ganito ang nakikita ko?
Nang bigla nalang may tumapik ng malakas sa likod ko…..
“Luis sabi ko magpakilala ka muna sa kanila…”
BOOM!!!!! Imahinasyon lang pala ang lahat……napatawa nalang ako sa kabaliwan ng utak ko 🙂
“Magandang Gabi sa inyong lahat…Luis po…”
Halos lahat naman ay bumati din sa akin, yun iba ay ngumiti lang at ung mga malalapit sa pwesto ko ay nakipagkamay naman….
“Oh tama na yan….tapusin nyo na lahat ng ginagawa ninyo at magsipagtulog at gabi na, pero bago ang lahat may ipapasa akong mga papel kumuha kayo ng isa. Nandiyan lahat ng rules and regulations ng boarding house na ito. Kayo nalang ang bumasa at umintindi, kung may tanong pumunta lang sa bahay at pag usapan natin iyon….. nagkakaintindihan naman tayo lahat dito…. at bago matapos ang gabing ito…. “Welcome! sa inyong lahat”
“Ikaw Luis sumama ka sa akin at ipapakita ko iyo ang magiging kwarto mo”
Katabi lang pala ng sala ang magiging silid ko. Mukhang mag isa lang akong matutulog ngayon gabi at naka lock pa ito…
“Tita…wala ba akong makakasama sa kwarto?”
“Meron….bale 4 kayo….pero sa susunod pa na lunes ang pasukan nila kaya sa susunod pa na sabado ang dating ng mga iyon”
Binuksan ni Tita ang kwarto, sakto lang ang laki nito, may 2 double deck na kama….2 malalaking cabinet, 2 electric fan at 2 study table sa tapat ng malaking bintana tanaw ang kalsada at mga kapitbahay…
“Ayos ito Tita gusto ko iyon nakikita ang labas… gusto ko itong kwarto ko”….
“Buti naman at nagustuhan mo, isang linggong solo mo muna ito, wag kang matakot ha at walang multo dito… Oh sya iwan na kita ng makapag ayos ka ng gamit at makapagpahinga narin agad…”
Pinili ko ang ibabang bahagi ng double deck sa gawin kanan at mas malapit ito sa bintana. Iba kasi ang nabibigay na saya sa akin kapag nakikita ko ang mga bituin at nararamdaman ang hampas ng hangin mula sa labas habang nakahiga.
Lagpas alas nuebe na ng gabi ako natapos mag ayos. Medyo inaantok na ako kaya naisipan ko ng maligo para makatulog na. Dala ang gamit panligo at pamalit na damit lumabas ako ng silid. Tila nabawasan na ang tao sa labas siguro tapos na mag ayos at nag sipag tulugan na. Dahil hindi ko naman alam kung saan ang paliguan naghanap ako ng matatanungan. Ayon at may nakaagaw ng pansin ko (si gwapo ang tatanungin ko, bulong sa sarili). Agad akong lumapit sa pwesto niya…
“Tol…pasensya na sa istorbo ha… Alam mo ba kung saan ang paliguan at cr dito?”
“Ah yun lang ba….nasa baba… Nandun din ang kusina at kainan.. “
“Salamat Tol… “
Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas, bigla nya akong pinigilan…
“Teka san ka pupunta? Hindi mo na kailangan pang lumabas may hagdan sa dulo ng pasilio pababa”
“Maliligo kaba?”
“Oo sana….”
“Sakto….antayin mo ako, kuhain ko lang gamit ko….sabay na tayo maligo…..”
Tama ba ang narinig ko…sabay kami maliligo…bigla akong kinabahan at 1st time ko may makakasabay sa pagligo….. “Nakahubad kaya siya maligo?” tanong ko sa sarili….
Bumalik siya at bumaba na kaming dalawa. Habang naglalakad kami…bigla siyang nagpakilala….
“Tol, Marcus pala….at ikaw si Luis diba?”
“Oo….buti naalala mo pangalan ko…”
“Ikaw lang kasi nagpakilala ng ganun nun dumating….kami kanya kanya…bahala ka kung magpapakilala ka o hindi…. hehehe”
Bigla tuloy akong nahiya, si Tita Elsa kasi. Pinagmasdan ko ang itsura ni Marcus ng malapitan at talagang gwapo ito. Pero mukhang maloko at babaero.
Pagdating sa baba, dalawang pinto ang sumalubong sa amin. Ang pinto sa kanan ay ang cr, sinilip ko ito at sa loob ay may 6 pa na magkakahiwalay na cubicle. Sa isip ko… “Haay….salamat hindi pala problema ang pagdumi at marami naman cr”. Sa kabilang pinto ay ang paliguan naman at dito kami pumasok. Sa loob ay may 6 na magkakatabing cubicle na walang mga pinto hindi ito di-shower pero mag tig isang balde at tabo.
Narinig ko na may mga iba pang naliligo nun mga sandaling iyon. Agad akong naghanap ng bakanteng pwesto, sa paglalakad hindi ko maiwasang tumingin sa mga cubicle na may naliligo, dahil wala nga itong pinto kitang kita ko ang mga bahaging likuran ng mga taong naroon. “Sayang! nakatalikod at hindi man lang sila humarap… puwet lang tuloy ang nakita ko” bulong ko sa sarili.
Sa dulong cubicle ako puwesto at sa katabing cubicle naman si Marcus. Agad akong nagtanggal ng damit at pantalon, maghuhubad na sana ako ng brief ng biglang pumasok si Marcus.
“Tol…pahiram ng sabon ha at naiwan ko iyon akin”
Doon nga siya nagsabon sa tabi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang pinagpawisan ng todo ng makitang kong hubo’t hubad si Marcus. Kahit anong iwas ko napapatingin talaga ako sa katawan niya at sa alaga nito. Malambot pa ito pero may kalakihan at katabaan na at wow ang pula ng ulo ng titi niya. Buti nalang at naka brief pa ako at hindi halatang tinitigasan na ako. Biglang nagsalita si Marcus….
“Tol…..naka brief ka parin pag naliligo?”
“Ah…hindi…maghuhubad na sana ako ng bigla kang pumasok”
“Ganun ba? Nagulat ba kita? Tol salamat ha… sa kabila na ako magbanlaw at naiistorbo na kita” sabay abot ng sabon….
“Nabitin naman ako sa eksena na iyon….akala ko may mangyayari na…. hehehe” bulong ulit sa sarili.
Nang matapos na kaming maligo umakyat na kami sa itaas at pumasok na sa kanya kanyang kwarto.
Agad akong nahiga, hanggang ngayon hindi parin maalis sa isip ko ang mga nakita ko kay Marcus. Alam kong walang malisya sa kanya ang lahat ng iyon dahil parehas naman kaming lalaki pero sa akin meron.
Dahil parang nawala bigla ang antok ko, umupo muna ako sa study table sa tapat ng bintana. Ang tahimik ng kalsada, mga alas onse na siguro iyon kaya wala na halos dumadaan na sasakyan. Iba ang lamig ng hangin, napaisip ako…”masarap sana ang may kayakap”. Napatingin din ako sa langit na puno ng mga bituin at hindi maiwasang mamangha sa ganda ng mga ito.
Habang nakaupo, napansin ko ang katapat na bahay tila walang nakatira, sarado ang lahat ng bintana at wala kang makikita kahit konting liwanag galing sa loob. Bigla tuloy akong natakot, hihiga na sana ulit ako sa kama ng makita ko nalang biglang bumukas ang ilaw sa isang kwarto doon at sabay bumukas ang bintana. Halos magkatapat lang ang aming bintana kaya kita ko mula sa aking pwesto ang mga pwedeng mangyari sa kabila.
Nagtago ako gilid ng bintana at nagmasid kung ano ang aking makikita. Maya maya isang lalaki ang tumayo sa bintana, wala itong damit pang itaas at mukhang naka boxers lang ito . Noong una hirap akong makita ang kanya mukha ngunit habang tumatagal siya sa pagkakatayo sa bintana ay unti unti ko ng nakikita ang kanyang itsura.
“Mukhang mapapadalas ang pagtambay ko sa bintana at napakasarap sa mata ng aking nakikita, ang gwapo ng lalaki sa bintana” bulong sa sarili. Tantsa ko mga nasa 18-20 years old siya, katamtaman ang laki ng katawan at mga nasa 5’7 ang taas. Maikli ang buhok na medyo kulot, matangos ang ilong at kahit na sa malayo ay kita ko ang mga mata niya na tila kinakausap ka sa bawat sulyap nito.
Kahit antok na pinilit kong manatiling gising at patuloy siyang pinagmasdan. Napansin ko na parang hindi siya mapakali, panay ang ikot at lakad sa silid niya, mga ilang beses ko din siyang nakikitang dumudungaw sa bintana na akala mo ay may hinahanap at hinihintay. Noong mga sandaling iyon pakiramdam ko kailangan niya ng makakausap kaya agad kung binuksan ang ilaw sa kwarto para mapansin niya. At nakita ko nga, na tumingin siya at tila nag aantay kung may lalabas na tao mula sa silid ko. Nagkunwari akong hindi ko siya napansin at umupo ako sa harap ng bintana.
Nang mga sandali iyon alam ko nakatingin siya sa akin at hudyat narin iyon para tingnan ko siya. Tama nga ako nakatingin siya, pero sinadya kong hindi muna siya pansinin at tila nagpakipot pa. Nagulat nalang ako ng makita ko siyang umupo mismo sa bintana na tila sobrang lungkot at balisa. Bigla akong nakaramdam ng awa, gusto ko siyang kausapin, pero papaano? kalsada ang pagitan namin. May naisip ako, kumuha ako ng malinis na papel at pentel pen at sinulat ang salitang: “R U OK?”. Sinabit ko ito sa bintana na may sapat na liwanag para agad niyang mabasa. Nakita ko natingin siya, bigla itong tumayo sa pagkakaupo, umalis sandali pagbalik may papel narin itong hawak na may sulat na: “NO! :(“.
Agad akong sumagot sa parehong paraan, kumuha ulit ng papel at sinulat ang mga salitang: “Need mo kausap?”. Maya maya may itinaas ulit siyang papel na may nakasulat: ” YES pero paano?”. Kumuha ulit ako ng papel at doon ko sinulat ang salitang: “TxT2 tau” at ang cellphone number ko.
Wala pang isang minuto biglang tumunog ang cellphone ko, isang text message ang natanggap ko….
Hello…ako yun lalaki sa bintana, Francis ang pangalan ko….ikaw?
Agad naman akong nagreply na tila kinikilig pa…
Hi…. Luis ang pangalan ko…. kamusta? bakit gising kapa?
Doon na nagsimula ang aming kwentuhan at pag uusap sa pamamagitan ng palitan ng text….
F: Pasensya na kung naabala kita ha…
L: Ok lang yun, walang anuman, teka sabi mo hindi ka OK may problema ka ba? Pwede ako makinig para gumaan ang pakiramdam mo.
F: Madami lang iniisip kaibigan, sumasakit na nga ulo at dibdib ko dahil wala akong masabihan.
L: Nandito na nga ako diba?… Sige isa isahin natin mga problem mo…. at susubukan ko makapagbigay ng magandang payo at malay mo parehas pala tayo ng pinagdadaanan.
F: Salamat talaga ng marami….
L: Thank You agad wala pa nga akong nagagawa… sige na kwento na at makikinig ako sa iyo kahit sa text lang ito…. hehehe
Tuloy tuloy ang palitan namin ng text. Naikwento niya ang tungkol sa nararamdamang pagbabago sa sarili. Iniisip niyang mali iyon at patuloy na itago sa lahat. Pero sa huli bukod sa nahihirapan na siya may mga tao pa daw siyang nasasaktan. Naisip ko bisexual din kaya siya? kasi sa tuno ng mga text niya ay halos parehas kami ng pinagdaraanan. Nabigla nalang ako sa isang tanong niya…..
F: Nagkagusto kana rin ba sa kapwa mo lalaki?
Noong mga sandali iyon isa lang ang nasabi ko sa isip ko “confirm”. Parang natuwa at kinilig pa nga ako sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Naisip ko ng sabihin sa kanya ang totoo dahil alam ko makakapagpagaan ito ng kalooban niya at maramdamang hindi siya nag iisa.
L: Sige para gumaan iyan kalooban mo. Oo, nagkakagusto ako… Noong una pinilit kung itago at umiwas. May mga naging girlfriend pa nga ako dati pero alam ko hindi ako masaya.
L: Tsaka tinanggap ko na sa sarili ko na ganun talaga ako. Pero hindi ko naman kailangan baguhin ang itsura at kilos ko. Uulitin ko magiging masaya lang tayo pag tayo mismo tanggap natin ang mga sarili.
F: Nagka boyfriend ka na?
Bigla akong natigilan sa tanong niya. Ang bilis bilis naman nito, naisip ko “bakit kaya siya nagtatanong kung may bf na ako?… balak kaya nya akong ligawan?” bigla akong natawa sa mga iniisip ko. Hindi pa nga ako tulog, nanaginip na……. Bigla ko rin nasabi sa sariki ko “At teka Mr. Luis Vincent Alcalde, magkatext kayo ngayon para may mapagsabihan siya ng mga problema niya hindi siya nakikipaglandian sa iyo…wag kang umasa….hahaha”
L: Wala pa akong nagiging boyfriend….. Hindi pa ako naghahanap, gusto ko matapos muna ng pag aaral. Pero kung may dumating man at magiging dahilan para mas gumanda ang takbo ng buhay at pag aaral ko, bakit hindi? (Sana ikaw na iyo hehehe….) bulong ko sa sarili….
F: Ako, aaminin ko may isang lalaki sa buhay ko na nagustuhan ko ng todo at alam ko minahal ko siya ng totoo…
Tama ba ang nabasa ko? may mahal na siyang iba. Ang sakit naman ang bilis ko naman ma heart broken sa taong ito….biro sa sarili
Nakwento na nga niya ang nag iisang lalaking minahal niya, Gilbert daw ang pangalan. Classmate daw niya noong high school hanggang noong pumasok sila ng college. Bago lang daw silang naging malapit sa isa’t isa. Akala daw niya noong una simpleng pagkakaibigan lang ang lahat pero hindi nagtagal nahulog narin ang loob niya.
F: Alam ko mahal niya ako at mahal ko din siya, pero may girlfriend ako noon at natatakot din ako sa sasabihin ng mga tao pag nalaman nilang bakla/bisexual ako.
Abala hindi lang pala duwag ang loko na ito at two-timer pa… turn off na ako sa iyo kuya… hehehe.. bulong sa sarili.
L: Hindi ko alam sasabihin ko kasi hindi ko pa nararanasan yan. Pero isipin mo nalang kung saan ka magiging masaya at magiging panatag ang kalooban mo yun ang piliin at gawin mo.
F: Gusto ko piliin si Gilbert pero paano magiging tatay na ako, nabuntis ko ang girlfriend ko.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit parang wala sa sarili ang taong ito kanina. Sa dami pala ng problema at pinagdadaanan niya kahit siguro ako mababaliw kakaisip ng mga iyon.
L: Ganito nalang kaibigan, malaki kana… alam mo kung alin ang tama. Sa bawat kilos natin may responsibilidad na kailangan panindigan. Kailangan magsakripisyo dahil iyon ang dapat at tama.
Mahaba ang mga sumunod naming palitan ng text. Gusto lang daw niyang humingi ng tawad kay Gilbert sa nangyari at sabihin na mahal na mahal niya ito. Ganun din daw sa girlfriend niya na nasaktan niya. Handa naman daw siyang panagutan at maging tatay sa anak nila. Aaminin ko kahit ako nadala sa mga sinabi niya. Alam ko at ramdam ko totoo at galing sa puso ang lahat ng nasabi niya.
F: Napakasama ko bang anak? Sinira ko ang tiwala ng Mama ko.
Akala ko tapos na ang usapang problema. Pero totoo, naisip ko sa lahat ng tao na pwedeng masaktan ng todo, ito ay ang mga magulang natin. Walang magulang nagugustuhin masira at magulo ang buhay ng anak.
F: Gusto ko humingi ng sorry kay Mama, yakapin siya ng mahigpit at sasabihin ko kung gaano ko siya kamahal.
L: Alam natin hindi talaga maganda iyong mga nangyari pero sabi mo nga handa ka naman humingi ng tawad at magbago. At hindi pa huli ang lahat, ramdam ko naman kung gaano mo kamahal ang Mama mo.
F: Pwede ba iyakap mo ako at ihingi ng tawad sa kanya. Natatakot kasi ako eh.
L: Pangako bukas na bukas akong bahala. Gusto mo samahan pa kita para ikaw mismo yumakap sa kanya at magsabi ng gusto mong sabihin.
F: 🙂
L: Tipid ng reply ha…. wag na mag isip masyado… magiging ok din lahat….
Sinilip ko ulit siya mula sa bintana at kitang kita ko na nakakangiti na ito at nakakatawa na.
F: Kaibigan… Salamat
L: Walang anuman… ayan masaya siya…. ngiti naman dyan.
Isang napakagandang smile ulit ang nakita ko at tila nagpagaan ng kalooban ko.
Mga 3 am na siguro ng umaga, medyo nabagot ako kaya bigla akong nagtext ng kalokohan sa kanya.
L: Maiba naman tayo…anong suot mo ngayon?
F: Naka boxer short na spiderman lang ako, ito ang pinakapaborito ko.
L: Wow… Ang swerte naman ni spiderman…hehehe
F: Gusto mo makita? Tingin ka sa bintana….bilis…
Agad ako tumingin sa bintana, nakita ko ito na nakatayo sa isang upuan. At kitang kita ko ang buo nitong katawan suot ang boxer shorts na spiderman. Maya maya pa ay gumiling ito na akala mo ay isang macho dancer habang tumatawa.
Ang totoo napakasarap niyang panoorin pero agad akong bumalik sa pagkakahiga at nagtext na itigil na niya ang kolokohan. Habang nag aantay ako ng reply niya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya dahil alam ko sa ilang oras na kami ay nagkakatext.. nakatulong ako para gumaan ang kalooban niya. Lumipas ang 30mins. at wala pa siyang reply sinilip ko ulit siya pero nakita ko patay na ang ikaw at sarado na ang bintana sa kwarto niya.
Sa wakas nakatulog narin ang aking bagong kaibigan. Bago ako tuluyang matulog isang text ulit ang pinadala ko…
L: Salamat sa mga text at tiwala… sana kahit papaano naging ok ka…Good Night….see u tom. 🙂
Dahil sa puyat halos tanghali na ng ako’y magising. Pagbangon ko agad kong sinilip ang kabilang bahay, nakita ko bukas na ang bintana pero mukhang wala si Francis. Kinuha ko ang aking cellphone at nakita ko wala parin itong text. Agad akong nag text sa kanya:
L: Magandang umaga….. ang daya tinulugan na nga ako kagabi… wala pang text
See u later…..
Pagkatapos kong kumain ng tanghalian agad akong nagpunta sa kabilang bahay.
“Tao po….tao po!”
Isang babae ang bumaba sa hagdang…
“Magandang araw po…. pasensya na po sa abala. Nandiyan po ba si Francis?
Napansin ko na parang nabigla ang babae sa tanong ko at tila tumaas ang kanyang boses sa pagtatanong niya.
“Bakit mo siya hinahanap? Sino ka? at paano mo siya nakilala?”
Nagulat ako sa sunod sunod na tanong nito, pero magalang ko parin sinagot ang lahat ng ito.
“Ako po si Luis, bagong boarder ni Tita Elsa, kahapon lang po ako dumating..kagabi po habang nasa kwarto ako (tinuro ko ang silid ko), napansin ko po si Francis, diyan sa silid nya na parang balisa at wala sa sarili. Nagkaroon po kami ng pagkakataon makapag usap sa pamamagitan ng text buong gabi. Pangako ko sa kanya dadalawin ko siya at sasamahan para kausapin ang Mama niya”
Biglang tumakbo ang babae papunta sa itaas, mga ilang sandali…. bumalik ito at pansin ko sa mukha ang sobrang pagtataka at kaba…. may inabot sa akin mga lawaran…
“Siya ba iyong sinasabi mong nakita mo kagabi at nakatext mo”
“Opo….siya po…. hindi ako pwedeng magkamali… Itong ngiting ito ang huling nakita ko bago siya natulog…. Si Francis po ito diba?”
Biglang napa upo ang babae at nakita ko nalang na umiiyak ito. At bigla nalang nitong nasabi…
“Si Francis…. isang taon akong nag aantay na dalawin niya ako… pero hindi siya kailanman nagparamdam. Ang dami kong tanong sa anak ko bakit niya ginagawa ang bagay na iyon”
Bigla akong natakot, nalito at naguluhan…. dalawin? magparamdam?
“Sorry po Tita….. Alam nyo po isa nga iyan sa mga napag usapan namin kagabi… sabi niya gusto niya mag sorry sa inyo, yakapin kayo at sabihing mahal na mahal… pero mukhang natatakot siya kaya sinabihan niya ako gawin ko ang mga bagay na iyon sa inyo para sa kanya. Pero huwag kayo mag alala Tita sabi ko naman sa kanya sasamahan ko siya at sya mismo ang gagawa at magsasabi sa inyo. Nasan po siya ngayon”
Bigla akong hinawakan sa kamay ng Mama ni Francis at sinabing…
“Patay na si Francis…. isang taon na ang nakakalipas…”
Bigla akong napatayo… tumindig ang mga balahibo…. bumilis ang kaba ng dibdib at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
“Ha! Tita…kagabi lang nandiyan siya…. mga 11pm ko siya unang nakita at mga 3am ko naman siya huling nakausap…… ito Tita yun mga text niya”
Kinuha ko ang cellphone ko, pero laking gulat ko nawala lahat ng text niya. Pero hindi ako pwedeng magkamali, kitang kita ko siya at alam ko hindi ako nanaginip ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung paano papatunayan sa Mama niya na totoo ang mga sinasabi ko, bigla akong nalungkot at nahiya.
Naramdaman ko hinawakan ulit ni Tita ang mga kamay ko at pinaupo sa tabi niya.
“Wag kang malungkot, naniniwala ako sa iyo… at labis labis ang pasasalamat ko at dumating ka… kwentuhan mo nga ako ng mga napag usapan nyo ng anak ko….”
Halos walang tigil sa pagluha ang Mama niya habang nagkukwento ako, pero ito yata ay luha ng kasiyahan at sa matagal na paghihintay ay naririnig niya ang mga nais sabihin ng anak, at ang mga sagot sa matagal na niyang katanungan. Maging ako hindi rin napigilang umiyak. Ramdam ko ang sabik at galak ng Mama niya ng mga oras na iyon.
Naging mahaba ang usapan namin ni Tita. Tinupad ko ang pangako ko kay Francis. Ilang beses na yakap… ilang ulit ko din sinabi na Mahal na Mahal niya ang Mama niya at ang mga katagang Sorry.
Nakwento sa akin ng Mama niya na 1st year death anniversary ni Francis ngayon. Huli niyang nakitang buhay ang anak ng 11pm bago pumasok ng kanyang kwarto at 3am daw nila ito nakitang walang buhay at nagpakamatay nga ito sa pamamagitan ng pagbibigti suot ang paboritong spiderman boxer shorts.
Bigla ko naisip ang mga naganap kagabi. Ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Ganun din kaya ang mga nangyari noong nakaraang taon bago siya nagpakamatay? Naghanap at nangailangan din ba siya ng taong makakausap? Kung naroon kaya ako at nagkatext kami buhay pa kaya siya hanggang ngayon?
Alam ko may dahilan kung bakit nangyari iyon, para sa huling sandali at pagkakataon, ako ang maging daan para masabi niya ang mga dapat sabihin bago siya tuluyang magpaalam.
Matapos kaming mag usap ng Mama ni Francis, nagpasya na akong bumalik sa boarding house. Hindi parin talaga ako makapaniwala at bakit sa akin nagparamdam at nagpakita ng ganun si Francis. Habang tumatawid ng kalsada tumunog bigla ang cellphone ko, isang text ang natanggap ko…
SALAMAT KAIBIGAN… NGAYON MATATAHIMIK NA AKO… AT HUWAG KA MAG ALALA MAKIKILALA MO NA ANG TAONG MAMAHALIN MO AT MAGMAMAHAL SA IYO……
Alam ko kay Francis galing ang text na iyon. Sa gulat at takot ko muntik na akong masagasaan. Buti nalang at may isang tao na humila sa akin sa gilid. Sa lakas ng pagkakahila sabay kaming tumumba. Tumayo ako at nakita ko na isang lalaki ang nagligtas ng buhay ko…
“Salamat…tol… kung hindi sa iyo, malamang patay na ako ngayon… Luis nga pala”
“Walang anuman…sa susunod huwag magtext pag nasa kalsada ha at mag ingat… GILBERT naman pala tol”