“Gising na. Gising na. Tanghali na.” ang mga katagang gumising sa amin mula kay Raul.
Nabigla kaming dalawa ni Ron dahil pareho kaming wala pa rin saplot. Tanging kumot ang bumabalot sa ibabang parte ng aming katawan ni Ron.
“Grabe yata ang ginawa nyo kagabi. Nakailang putok ba kayo?” ang pang-aasar ni Raul sa aming dalawa ni Ron.
Bakas sa mukha ni Ron ang pagkahiya sa nadatnan ni Raul na ayos naming dalawa. Obvious na obvious na nagtalik kaming dalawa bago kami nakatulog.
“Salamat bayaw ah.” ang ibinulong ko kay Raul ng ako ay bumangon.
Tumango lamang si Raul.
“O ikaw. Hindi ka pa ba babangon? Nahihiya ka ba sa ayos mong yan? Na-devirginized ka na ni bayaw at ilang beses ko ng nakita yan. Wala ka ng maitatago sa akin.” ang biro ni Raul kay Ron.
Iniabot ko ang boxer shorts ni Ron. Bumangon siya at agad isinuot ito.
“Ang sweet nyo naman.” ang biro na naman ni Raul sa amin. “Bagay na bagay kayo.” ang dugtong pa niya.
Nakisakay naman ako sa biro ni Raul.
“Sweet ba kami? Bagay na bagay ba kami?” ang biro ko naman habang nakayapos ako kay Ron.
Habang nakayakap ako sa kanya ay muli ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi sa harap mismo ni Raul. Mukhang nakisakay din sa Ron dahil hindi siya tumanggi sa aking paghalik sa kanya.
“Tara na at baka langgamin kayong dalawa. Gutom lang yan. Tara na at ng makapag-almusal na kayo.” ang alok sa amin ni Raul.
Kahit nakukuhang magbiro ni Raul ng ganoon ay nararamdaman ko na medyo nagseselos siya sa kanyang kasamahang si Ron.
Aminado naman si Raul sa nararamdaman niya sa akin. Subalit simula ng mamatay ang aking misis ay nakaramdam ako ng pagiging guilty at itinanim ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako makikipagtalik sa mga kapatid ng aking misis.
Lumipas pa ang mga araw at palaki na ng palaki ang aking anak. Si Raul ay ganoon pa rin ang pag-aaruga sa kanyang pamangkin at syempre damay na rin ako sa pag-aaruga niyang iyon.
Si Ron naman ay napalapit na rin sa akin sa madalas niyang pagdalaw sa bahay na kung minsan ay nauuwi sa aming pagtatalik. Marahil ay iyon na rin ang mas gusto ni Raul para sa akin ang makagaanan ng loob si Ron na pumupuno sa sexual kong pangangailangan na hindi ko na naulit gawin kay Raul simula ng mawala ang aking misis.
Alam naman ni Raul na sa tuwing magpapalipas ng gabi sa aming bahay si Raul ay tiyak na may nangyayari sa amin. Pero kahit minsan ay hindi niya ipinakita sa akin ang labis niyang pagseselos kay Ron.
Marahil ay nahalata iyon ni Ron dahil nga lagi silang magkasama. Isang araw ay lihim na gumawa ng paraan si Ron upang makapag-usap kami na hindi alam ni Raul.
Nag-sick-leave si Ron at ako naman ay nagpaalam sa opisina upang mag-half day lang ng araw na iyon. Sa isang restaurant kami nagkita ni Ron.
“Pare, wala ka bang napupuna sa mga kinikilos ni Raul lately?” ang tanong ni Ron sa akin.
“Wala naman. Mukhang maayos naman ang benta ninyo.” ang tugon ko naman.
“Hindi doon. Ang tungkol sa inyong dalawa.” ang nasabi naman ni Ron.
“Eh anong tungkol sa aming dalawa?” ang tanong ko naman.
“Talagang mahal ka ng bayaw mo. Alam ko nasasaktan na siya sa ating ginagawa. Kahit na siya mismo ang nakiusap sa akin na ipagpatuloy ko lamang ang paminsan-minsang pakikipagtalik ko sa iyo.” ang nasabi pa ni Ron.
“Okey naman pala sa kanya ang ginagawa natin eh. Anong problema doon?” ang tanong ko na naman.
“Manhid ka ba? Hindi mo ba nararamdaman na nasaksaktan siya. Ewan ko pare. Pero yun ang pakiramdam ko ngayon.” ang dugtong pa ni Ron.
“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko na naman.
“Hindi ka mahirap mahalin. Mabait ka kasi. Shit.…. I’m also falling in love with you pare. Ayaw ko ng ganitong feelings. Natutuhan na kintang mahalin. Pero alam ko rin na mas mahal ka pa rin ni Raul. Unti-unti ko ng nararamdaman ang sakit na nararamdaman din ni Raul. Yung bang hindi ka naman minamahal ng taong minamahal mo. Oo nga nagtatalik tayo. Pero hindi ko maramdaman ang pagmamahal mo.” ang nasabi ni Ron na labis kong ikinagulat.
“Ayaw ko ng magmahal. Lahat ng minamahal ko ay nawawala sa akin. Masisisi nyo ba ako.” ang nasabi ko kay Ron.
“Ganun na lang ba iyon. Pilit mong susupilin ang ano mang nararamdaman mo sa isang tao.” ang sumbat sa akin ni Ron.
“Akala nyo ba kayo lang ang nahihirapan. Masakit din ito para sa akin. Pero kaya ko ang sakit na ito. Pero yung mawawala muli ang taong pinakamamahal ko ay hindi ko na makakayanan. Lumaki ako sa mga bawal na gawain. Kaya siguro ito ang parusa sa akin na dapat kong pasanin habang buhay.” ang naisabi ko naman.
“Marami pa kayong hindi alam sa aking mga pinagdaanan. Tama ka nga. Manhid na ako. Naging manhid ako dahil sa mga naranasan kong sakit. Baka kung may darating pang matinding sakit sa aking buhay ay hindi ko na makakayanan.” ang dugtong ko pa.
Hindi agad nakaimik si Ron dahil sa mga nasabi ko. Halos maluha ako ng sabihin ko ang mga iyon. Napigilan ko pa rin ang aking pagluha dahil alam kong nasa public place kami. Halos hindi rin namin nakain ang inorder naming food. Matagal din kaming nanahimik. Si Ron ang unang pumukaw ng katahimikan naming iyon.
“I’m sorry sa mga nasabi ko sa iyo. I am really sorry.” ang nasbi na lamang ni Ron.
“It’s ok. Tama ka rin naman at nasabi mo iyon sa akin.” ang tanging nasabi ko din.
“But I still believe that you deserve another chance to love again. We all need love. To love and to be loved. Am I making sense to you? Pasensya ka na. Magulo din ang iisipan ko tungkol sa love na iyan.” ang sugtong pa ni Ron.
“I know. I just don’t have the courage right now.” ang nasabi ko naman.
“It’s kinda silly. A straight guy falling in love with you. Don’t know nga kung straight pa ako. Maybe not anymore kasi nga nahulog na ang loob ko sa iyo. Pero I don’t think it’s too late to fight this feeling. But for Raul, it’s getting deeper and deeper. Ikaw ang mundo ni Raul. Lahat siguro ay gagawin nya para mapaligaya ka. Hindi mo ba nararamdaman yun?” ang patuloy pa ni Ron.
“I’m sorry. I never thought that it would go this far. Akala ko laro-laro lang ang ginagawa natin. Napapaligaya kita. Napapaligaya mo rin ako. Minsan nararamdaman ko na nasasaktan si Raul. Pero baka mali ako. Siya kasi ang nagtulak sa iyo upang pumatol sa akin.” ang nasabi ko naman.
“Tama ka. Siya nga ang pasimuno sa mga nangyari sa atin. Nagawa nya yun para mapaligaya ka. Dahil mahal na mahal ka niya. I don’t know what kind of love is that. Hindi ko kaya yun. That’s a big sacrifice. So I think it’s time for you to think about it. Kahit alam mo na ang feelings ko sa iyo, I believe you deserve Raul.” ang dugtong pa ni Ron.
Muli kaming nanahimik na dalawa. Di nagtagal at tinawag na namin ang waiter upang bayaran ang aming inorder. Umuwi akong dala-dala pa rin ang mga nasabi sa akin ni Ron.
Malaki na ang sakripisyo sa akin ni Raul pero hindi niya pinagpipilitan ang sarili niya sa akin. Manhid nga ako. Nagbubulagbulagan. Nagsisinungaling sa sarili ko. Noon pa man ay nagkaroon na ng puwang sa puso ko si Raul.
Pero pilit kong sinusupil ang damdamin kong ito. Siguro nga panahon na upang harapin ang tunay kong damdamin na wala ng takot kung ano man ang mangyari sa hinaharap. Kaya naman isang gabi ng tulog na ang aking anak ay pinuntahan ko si Raul sa kanyang silid.
“Gising ka pa ba?” ang tanong ko kay Raul habang kumakatok sa pinto.
“Oo kuya. Nagbabasa lang ako ng pocketbook. Pasok ka.” ang tugon ni Raul habang binubuksan niya ang pintuan.
Pumasok ako sa loob at isinara ang pintuan.
“Kumusta ka na Raul?” ang tanong ko sa kanya.
“Akala ko naman kung ano ang itatanong mo kuya. Syempre okey lang ako. Maayos pa rin akong bumenta.” ang tugon naman ni Raul.
“Salamat pala sa pag-aaruga mo sa aking anak?” ang pagpapasalamat ko sa kanya.
“Kuya naman. Syempre pamangkin ko iyon. Responsibilidad ko rin na alagaan siya.” ang nasabi naman ni Raul.
“Salamat din sa pag-aaruga mo sa akin.” ang pagpapasalamat kong muli sa kanya.
“Ang corny mo naman kuya. Ano bang nakain mo? Alam ko na. Hindi kasi ako ang nagluto ng hapunan natin kaya siguro ganyan ka ngayon. Sobrang seryoso mo yata.” ang nasabi pa ni Raul.
“Patawarin mo ako kung nagbulagbulagan ako. Naging manhid.” ang seryoso kong nasabi sa kanya.
“Ano bang sinasabi mo dyan kuya? Hindi kita maintindihan.” ang nasabi naman ni Raul.
“Sana noon ko pa inamin ito sa iyo ng hindi ka na nasaktan pa ng labis.” ang nasabi ko sa kanya.
“Kuya, lalo yatang hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.” ang nasabi naman ni Raul.
“Isang tanong, isang sagot. Do you still love me?” ang tanong ko sa kanya.
“Kuya naman……………..” ang tanging nasabi sa akin ni Raul.
“Do you love me?” ang tanong ko muli.
Halos mamutla si Raul at hindi makasagot sa aking tanong. Natagalan pa bago siya sumagot.
“Gusto mong malaman ang totoo. Oo kuya, mahal na mahal kita. Noon pa mang una tayong nagkakilala minahal na kita. Alam mo naman yun kuya. Kaya lang naiintindihan kita kung bakit hindi mo tinatanggap ang pagmamahal ko sa iyo. Kung hindi mo ako kayang mahalin, okey na sa akin na ako na lamang ang magmamahal sa iyo. Huwag lang akong malayo sa piling mo. Nagtapat na sa akin si Ron. Pati sya nahulog na rin ang loob sa iyo. Bagay naman kayo at boto ako kay Ron. Mabait at syempre gwapo pa. Okey na okey sa akin kung magiging kayo ni Ron.” ang pag-amin sa akin ni Raul.
“Ssssssshhhhhhhhhhh…………. Huwag na natin guluhin ang buhay ni Ron. Nagkausap na rin kami. Ikaw ang mahal ko at pakamamahalin habang buhay.” ang nasabi ko kay Raul.
Hindi napigilan ni Raul ang pagluha dahil sa kanyang narinig. Pumatak din ang mga luha galing sa aking mga mata. Niyapos ko sa Raul at muli ko siyang sinabihan na ‘I love you, bayaw’