New Tutor (Part 2)

New Tutor (Part 2)

Isang araw pa lang naman kami magkasama. Mawawala rin ‘to. Simpleng libog lang siguro, kasi nasagi niya titi ko. Ang babaw ko. Napakababaw. Bukas, hindi na ganito. Magsuot kaya ako ng makapal na shorts? Hehe.

Nag-early dinner ako sa may isang tapsilugan sa school. Mula kasi sa tutorial office, dadaan muna ng campus bago makarating sa tinutuluyan kong boarding house, kaya dito na lang ako kumain. Isa pa, gusto ko munang maglakad-lakad sa school. Lagpas alas-sais na nun, kaya medyo madilim na, pero marami pa rin namang tao.

Nag-iisip-isip lang ako habang naglalakad. Ano na kaya ginagawa ni Niccolo? Kumakain ng early dinner. Kasama niya ang supladong si Johan. Baka kinakain na siya ni Johan. Ugh. Kinabahan ako. Di nga kaya?

Pansin ko nga, laging nakatingin si Johan kay Niccolo. May gusto kaya siya dun? Di ako magaling kumilatis kung silahis ang isang lalake, pero kung iisipin, siguro nga silahis si Johan, at type niya si Niccolo. Kaya siguro nainis sa ‘kin ang suplado. Kaya siguro gusto niya sumama kay Niccolo. Kaya siguro, baka ngayon, kinakain na niya si Niccolo. Naalala ko yung inimagine ko kanina, yung nagsesex sila sa classroom. Naiinis ako. At di ko alam kung bakit.

Huminto ako sa isang open field sa school kung saan maraming mga puno. May nagtitinda ng fishballs, etc. sa tapat ng isang building malapit dun kaya bumili muna ako at umupo sa may damuhan sa field. May mga naglalaro ng frisbee, mga batang namumulot ng plastic bottles, mga nagjojogging at nagbibisikleta at mga estudyanteng palakad-lakad.

Ansarap ng fishballs. Haha. Gusto ko lang i-clear ang utak ko sa mga nangyari. Wala naman talaga nangyari, di ba?

May nakilala lang akong mga bagong tao. Normal lang yun dahil may bago akong trabaho. Pero bakit ganun? Di ko maalis ang isip ko kay Niccolo. Yung mga mata niya. Yung labi niya. Yung pag-crinkle ng ilong niya. Yung ngiti niya, lalo na pag diretsong nakatingin sa akin. Nakakatunaw.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganun. Parang yung naramdaman ko sa ex-girlfriend ko nung high school. Pero iba eh. Ibang-iba. Isa pa, sa lalake pa. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Let go with the flow na lang siguro. Kung may gusto ako sa kanya, eh ano naman?

Pwede ko naman siya makita araw-araw kung magtuturo ako at kung magpapaturo siya. Walang kaso dapat. Parang tropa lang dapat. Parang kaibigan lang.

Isusubo ko na sana yung huling piraso ng fishball ko nang may biglang kumalabit sa ‘kin. “So, fishballs pala aasikasuhin mo ngayon?” Si Niccolo.

Nakanganga lang ako. Lintek. Ba’t andito siya? Di ba umuwi na siya ng bahay? Kasama pa nga niya si Johan di ba?

“Huy? Ano, ba’t andito ka? Kala ko may aasikasuhin ka?” tanong niya, sabay upo sa tabi ko.

“Ah, mamaya. Nagpapahinga lang ako. ‘Kaw, ba’t andito ka?”

“La lang. Nakita kita eh,” tipid niyang sagot. “Penge nga niyan,” sabay turo sa fishball.

“Wala na,” sabi ko sabay subo sa huling fishball. “Ubos na.”

“Ibang balls na lang,” sabi niya sa ‘kin. “Hehe. Squid balls.”

Eto na naman siya. “Ba’t ba di ka pa umuwi? Ba’t ba andito ka pa? May pasok ka pa bukas ah.”

“Kararating ko lang eh. Ayaw mo ‘ko kasama?” sabi niya sabay ngiti nang mapang-asar.

“Ayaw.”

“Wushu,” sabi niya. “Eh ‘kaw, ba’t di ka pa umuuwi? Gabi na ah?”

“College na ako.”

“So?”

“So you don’t need to tell me when I need to get home.”

“Ako rin. You don’t need to tell me din when to get home,” mayabang niyang sabi.

“At tsaka,” dugtong ko, “My class starts at 1pm. Okay lang na late ako umuwi at matulog.”

“Malapit lang boarding house mo dito?” tanong niya.

“Oo, isang ikot lang. Tas konting lakad.”

“Punta tayo sa inyo,” yaya niya.

“Sira, umuwi ka na. Don’t you have exams tomorrow.”

“Dapat alam mo kung may exam ako bukas. Kaw tutor ko eh,” sabi niya.

“Si Johan ang tutor mo. Substitute lang ako,” sabi ko. Sumikip ang dibdib ko.

Nag-iba ang mukha ni Niccolo. “Di na. Sa’yo na ‘ko magpapaturo. Di naman niya major ang math.”

“Simpleng math lang naman yun,” sabi ko.

“Tsaka may iba akong natututunan sa’yo,” sabi pa niya.

“Huh? Math pa lang kaya.”

Ngumiti lang siya at tumayo. “Tara na kasi sa inyo. Di ako magpapagabi masyado. Pramis, sir.”

Tatanggi pa ba ako? Siya na nga lumalapit. Fine. Sabi ko nga kanina, go with the flow lang. Tumayo na rin ako. Tumawid kami para sumakay na sa jeep.

Tahimik lang kami sa biyahe, mga 20 minutes. Magkatabi kami sa tabi ng driver. Kapag nakatingin siya sa kalsada, tinititigaon ko lang siya. Minsan, nahuhuli ko siyang tumitingin sa ‘kin sa side mirror. Umiiwas ako ng tingin.

Pagbaba sa jeep, niloko ko pa siyang umuwi na kasi gabi na. Tawa lang siya. “Ayaw mo talaga sa ‘kin ha. Masyado ba akong mahirap turuan?” sabi niya habang naglalakad na kami papuntang boarding house ko.

“Sakto lang. Simple pa naman yung lessons eh,” sagot ko.

Umakbay sa’kin si Niccolo habang naglalakad. Mas matangkad siya sa akin ng mga dalawang pulgada. Hindi na siya mukhang high school student sa suot niyang pambahay na damit, pero mukhang boy-next-door pa rin. Marahan ang pagkakapatong ng kamay niya sa balikat ko.

Sa second floor ng boarding house ako tumutuloy. May apat na palapag, kasama na ang rooftop. Sa first floor may isang laundry shop at bantay na rin sa bawat papasok na boarder at bisita. Binati ko ang bantay at pinakilala si Niccolo. “Tropa ko po,” sabi ko.

Pag-akyat sa second floor, makikita ang isang maliit na kusina kung saan pwedeng magluto at kumain ang mga boarders. Pwede rin dito mag-aral. Sa bandang kanan makikita ang pintuan ng kwarto.

“Tropa mo pala ako?” sabi ni Niccolo.

“Bakit, ano pa ba gusto mo?” tanong ko.

“Wala, kala ko sasabihin mo, estudyante mo ako.”

Natawa ako. “Sira. Parang magmumukha kasi akong matanda pag ganun.”

“Di naman siguro. Di naman halatang 25 ka na,” sabi niya sabay ngiti, yung pang-inis.

“Umuwi ka na nga.”

“Hehe. So, ilan kayo sa kwarto?” tanong niya.

“Apat kami ngayon. May tatlong double decks. Yung dalawang bunks unoccupied. Tinatambakan nila ng mga gamit.”

“Ah, tapos, dito shower?” tanong niya sabay turo sa isang pintuan.

“Oo, yang magkatabi. Toilet yung isa, pero pwede naman maligo dyan pag may tao sa shower.”

“Maliligo ka na?” sabi niya, sabay ngiti.

Nagsimula na naman siyang mambuwisit. “Mamaya na pagkaalis mo.”

“Di naman ako aalis eh. Dito ako matutulog. Gabi na kaya,” sabi niya, sabay upo sa isang silya.

“Sira ka rin eh nuh?” sabi ko sabay pasok sa kwarto para ibaba ang mga gamit ko. May isa akong roommate, nakahiga sa kama niya, nagbabasa. Di ko siya binati. Busy eh. Isa pa, di kami masyadong close. Lumabas ulit ako pagkababa ng mga gamit ko.

“May kasama ka?” tanong ni Niccolo pagkalabas ko.

“Oo, bakit?”

“Ba’t di mo ko pinapakilala?”

“Ba’t naman kita papakilala?”

“Siyempre,” sabi niya. “Para kilala ko friends mo.”

Nangiti lang ako. “Sira, di ko siya friend. Roommate lang.”

“Weh? Eh ba’t ako, wala pa ngang isang araw, tropa agad?” sabi niya, mayabang ang tono.

“Nasagot ko na yata yan?”

Sumimangot siya. “So, di tayo friends?”

“Palagay mo?”

“Di ako taga-Assumption.”

“Yang mga bagay na yan, hindi na dapat tinatanong. Parang kasing-abnormal lang yan ng kapag may nagtetext sa’yo na random number ng ‘Hi! Can we be friends?’, kasi sa tunay na buhay, wala namang manghaharang sa’yo sa daan at itatanong ang ganyang bagay.”

Tahimik lang si Niccolo.

“At tsaka,” dugtong ko, “nararamdaman mo naman yun. Kung pakiramdam mo eh kumportable ka sa isang tao na maging totoo sa harap niya, at kaya mo siyang pakisamahan at damayan nang walang kapalit, sa tingin ko, alam mo na kung anong relasyon ang meron kayo.”

“Magsyota?” sabi niya, nakangiti.

“Sira,” sabi ko sabay sipa sa kanya. “Friends ang pinag-uusapan, napunta naman sa syota.”

“So, pakikisamahan at dadamayan mo ako nang walang kapalit?” tanong niya.

“Oo naman, ba’t hindi,” sabi ko.

“Yes!” sabi niya. “Libre na ang tutorial sessions.”

“Sira ka talaga.”

Nakangiti lang siya. “So, totoo ka sa harap ko?”

“Gago. Hinde,” sabi ko sabay ikot ng mata ko.

Nakangiti pa rin siya. “Halata naman eh.”

“Ano? Anong halata?”

Biglang lumabas ng kwarto ang roommate ko. May mga dalang gamit panligo. Natigilan kami ni Niccolo. Tumingin ako kay roommate at tumango. Tumango rin si roommate at ngumiti, at tsaka pumasok sa banyo.

Nakatingin lang sa ‘kin si Niccolo. “Ba’t di mo pa ko pinakilala kay kuyang roommate? Mukha namang close kayo.”

“Tsaka na, pag di na siya maliligo. Haha. Umuwi ka na nga. Gabi na.”

“Di nga ako uuwi ‘di ba?” sabi niya.

“San ka matutulog? Sige, sa sahig.”

“Okay lang. Nakakatamad umuwi eh. Pero teka, matitiis mo na sa sahig lang ako matulog? Ba’t di na lang sa kama mo?”

Nagsimulang manigas ng titi ko sa ideyang tabi kami sa kama. “Sira, di tayo kasya. Anlaki mong yan. Malikot ako matulog.”

Kumunot ang noo niya. “Ha. Bakit, kala mo tabi tayo? Ikaw sa sahig. Ako bisita kaya ako sa kama.”

“Kapal mo rin eh nuh? Uwi na nga.”

Tumayo na siya at naglakad papasok sa kwarto. “San dito kama natin?” sabi pa niya.

“Kama ko. Diyan,” sabi ko sabay turo sa isang double deck sa may bintana.

“Ah. Cool. Top o bottom?” tanong niya.

“Sa ibaba ako natutulog. Hassle pag sa top bunk,” sagot ko.

“Eh di bottom ka?”

Nanlaki ang mga mata ko. “Hindi ah!”

“Ha?” kumunot ang noo niya. “Kala ko ba sa ibaba ka?”

Tangina. Oo nga naman. “Ah, oo, oo. Sa ibaba nga.”

Nakangiti lang ang loko. May sira talaga ‘to.

“Lumabas ka na nga at umuwi. Ihahatid na kita sa sakayan.”

Biglang pumasok ulit si roommate. May nalimutang gamit panligo. Tahimik lang kami ni Niccolo hanggang lumabas ulit si roommate.

“Sige na nga, uwi na ako. Hehe. Wag mo na ‘ko ihatid. Gawa ka na lang assignments mo,” sabi niya nang makalabas si roommate.

“Okay. Ihahatid na lang kita sa ibaba.”

Ngumiti lang si Niccolo.

From the Same Author:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: